Maingay ang paligid ng Véraise office sa umagang iyon. Mga empleyado’y abala sa kani-kanilang trabaho, mga telepono walang tigil sa pagtunog, at ang mga projector sa boardroom ay isa-isang naglo-load ng mga presentation para sa meeting ng araw na iyon. Pero para kay Alyssa, lahat ng ingay na iyon ay tila malayo. Tahimik siyang nakaupo sa swivel chair niya, nakatingin sa mga stacked files sa harap ng mesa. Ilang beses niyang tinangkang ituon ang isip sa trabaho, pero paulit-ulit na bumabalik ang alaala ng kagabi—ang mga mata ni Liam, ang malamig ngunit hindi matatakasan na presensya nito, at ang bigat ng tensyon na iniwan ng kanilang muling pagkikita. “Alyssa?” Napalingon siya nang marinig ang boses ni Sera na pumasok sa opisina, may dalang folder. “Narito na yung final report para sa mee

