Tahimik ang hallway ng Azure Park o akala ni Liam. Walang ibang tunog kundi ang mahinang ugong ng air conditioning at ang marahang yabag ng mga hakbang niya sa carpeted floor. Hawak niya sa isang kamay ang cellphone-walang tigil sa pag-ring mula kaninang umaga, pero wala siyang balak sagutin kahit isa sa mga tawag na iyon. Hindi siya sigurado kung bakit siya naroon. Hindi rin siya makapaniwala na kaninang madaling-araw, halos walang ibang laman ang isip niya kundi ang eksenang nadatnan niya kagabi-ang mukha ni Alyssa nang makita siya sa kwarto, ang paraan ng pagtitig nito na may halong gulat at pagtatago ng emosyon. Ano bang ginagawa mo, Liam? Pero kahit paulit-ulit niyang itanong sa sarili, patuloy pa rin ang mga paa niyang humahakbang papunta sa pintuan ng kwarto na tinuluyan nila

