Matagal nang hindi nakaramdam si Bianca Cruz ng ganitong klaseng pagkatalo. Hindi dahil natalo ang Cruz Group sa negosasyon, kundi dahil sa isang babae—isang babaeng matagal na niyang inilibing sa nakaraan. Alyssa Ramirez. Sa limang taon, buo ang tiwala ni Bianca na tapos na ang laban nila. Na ang dating Alyssa na kanyang pinahiya, dinurog, at itinapon ay hindi na muling makakabangon. Ngunit ngayong araw, sa mismong boardroom ng Véraise, muli siyang nakaharap dito… at ibang Alyssa ang nakita niya. Tahimik. Malakas. Presensya pa lang, parang pader na mahirap sirain. At nang sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, ramdam ni Bianca ang isang bagay na matagal na niyang hindi naramdaman—takot. Pero agad din itong napalitan ng galit. Pagkalabas ng lahat mula sa silid, naiwan si Bianca,

