Kinabukasan, tahimik ang umaga sa bahay nina Alyssa. Ang araw ng Linggo ay karaniwang para lamang sa triplets at sa kanya, ngunit ngayon… may kakaiba. May bigat sa hangin, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa inaasahang pagbabalik ni Liam. Habang nag-aalmusal sila, hindi mapigilan ni Alyssa na mapansin ang kakaibang sigla ng mga anak. Si Sky at Callum ay mas maagang nagising kaysa sa dati, at si Snow naman ay hindi mapakali, paulit-ulit na sumisilip sa bintana. “Mga anak, kumain muna kayo nang maayos. Hindi ko gustong makita kayo na gutom kung sakali man…” Mariin ang boses ni Alyssa, bagama’t halatang nahahalo ang kaba sa tono niya. Ngunit ngumiti lang si Callum, halos hindi maitago ang excitement. “Mommy, hindi mo ba naririnig? Para bang iba ang tunog ng araw ngayon. Sunday kasi.” Nag

