Mas lalong lumakas ang tawanan ng triplets habang nagkukuwento si Liam tungkol sa iba’t ibang klase ng saranggola. Nakaluhod siya sa damuhan, nakapalibot ang tatlong bata sa kanya na parang nakikinig ng isang kamangha-manghang kwento. “May dragon, may paru-paro, minsan may hugis bituin,” paliwanag niya habang gumuguhit ng simpleng hugis sa lupa gamit ang maliit na patpat. “Wow, Daddy! Gusto ko ng dragon!” agad na sigaw ni Callum, sabay turo sa imahinasyon niyang nasa langit. “Eh ako, gusto ko yung parang unicorn,” dagdag ni Snow, sabay tawa at palakpak. “Pwede ba tatlo ang gawin natin? Para sabay-sabay tayong magpalipad!” tanong ni Sky, nakangiti nang malawak. Hindi naiwasang mapangiti si Liam habang pinagmamasdan sila. “Kung yun ang gusto ninyo, gagawin natin. Kahit araw-araw pa tayo

