Tahimik na nakaupo sina Liam at Alyssa sa gilid ng picnic blanket. Sa di-kalayuan, abala ang triplets sa paggawa ng mga simpleng origami gamit ang papel na dala ni Liam. Tawa nang tawa ang tatlo habang nag-aagawan kung sino ang mas maganda ang fold, at tila ba walang ibang mundo sa paligid. Pero sa pagitan nina Liam at Alyssa, mabigat ang hanging bumabalot. Si Liam ang unang nagsalita. “Alyssa…” mahina pero buo ang boses niya. “Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang alam ko lang, kailangan kong sabihin sa’yo lahat ng hindi ko nasabi noon.” Hindi tumingin si Alyssa, nakatitig lang sa baso ng juice sa kamay niya. “Kung ngayon mo lang naisip na magsalita, Liam… huli ka na.” malamig niyang sagot. Napapikit si Liam, ramdam ang bigat ng mga salita niya. “Alam kong huli ako. Pero kahit

