Chapter 17

921 Words

8 Months Later Mabagal ang ambon sa labas ng maliit pero maaliwalas na condominium unit sa Paris. Tahimik ang gabi pero nabasag iyon ng mahihinang ungol ni Alyssa habang mahigpit ang hawak niya sa bedsheet. Pawis na pawis siya, nanginginig ang mga kamay, at pinipigil ang mga impit na sigaw. Nasa tabi niya si Sera, kalmado pero bakas ang kaba sa mga mata habang inaasikaso ang mainit na tubig at tuwalya. Walang ospital, walang nurse — sila lang dalawa, sila lang ang magtataguyod sa gabi ng pagsilang. “Konti na lang, Lyss. Kaya mo ‘to… Para sa kanila,” mahina pero matatag na bulong ni Sera, pinapahid ang pawis ni Alyssa. Sa huling sigaw, sa pagitan ng mga luha at pagod, narinig nila ang unang iyak — sunod-sunod, tatlong munting tinig na parang musika sa gitna ng dilim. Tatlong sanggol. T

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD