Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang magdesisyon si Yssabelle na magtago, at sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanyang mga balikat. Ang Véraise ay nagsisimula nang magbukas ng pinto para sa kanya, ngunit ang mga pagbabalik-loob sa mundo ng mga Navarro, pati na rin ang mga mata na laging nagmamasid, ay tila nagiging dahilan ng kanyang mga kaba. Ngayong gabi, may mahalaga siyang pagtatanghal. Isang investor, isang potential na partner para sa expansion ng Véraise sa international market. Kung magtatagumpay siya dito, hindi lang siya makakapagsimula ng isang bagong buhay — pati na ang mga anak niya, ang kanyang triplets, ay magkakaroon ng mas maliwanag na kinabukasan. Habang naghahanda si Yssabelle sa kanyang opisina, may nararam

