Mataas ang sikat ng araw nang sumakay si Alyssa sa limousine kasama si Liam at ang buong barkada. Papunta sila sa isang five-star hotel kung saan idaraos ang celebration dinner para sa biggest investment deal ng Navarro Group ngayong taon.
Tahimik lang si Alyssa sa tabi ni Liam. Nakasuot siya ng eleganteng champagne dress na pinili niya mismo — hindi para magpasikat, kundi para ipakitang karapat-dapat siyang tumayo sa tabi ni Liam bilang Navarro… bilang asawa… bilang ina ng pinakatatagong lihim sa buong mansion.
Pero habang nakatingin siya sa tapat na bintana, naririnig niya ang mahinang bulungan nina Bianca at Marcus na nakaupo sa harap.
“Perfect na gabi ‘to para buwagin ‘yang inutil na Alyssa,” bulong ni Bianca, bahagyang tinatakpan ang bibig gamit ang wine glass.
“Kalma lang. Ayusin mo. Pag nasilip ni Liam na ikaw ang may pakana, tapos ka,” mariing sagot ni Marcus habang nakaakbay kay Bianca na parang magkaibigan lang.
Habang papalapit sila sa hotel, sumulyap si Liam kay Alyssa.
“Okay ka lang ba?” tanong nito, mababa ang tono pero diretso.
Nagulat siya. Hindi niya inasahan na papansinin siya nito, lalo na sa harap ng barkada. Pinilit niyang ngumiti. “Oo naman. This is your big night, Liam.”
Tinitigan siya ni Liam, parang may gusto pang sabihin, pero bago pa man niya mabasa ang ibig sabihin ng mga mata nito, biglang sumingit si Bianca.
“Liam, about the guest list mamaya, I think we should reconsider inviting the Asia Pacific board—”
Nabitin ang tingin ni Liam kay Alyssa. Tumango na lang ito at binalik ang atensyon kay Bianca.
Pagdating nila sa hotel ballroom, sinalubong sila ng mga shareholders, investors at media. Lahat bumati kay Liam — ang CEO na may hawak ng pisi. Si Alyssa? Nasa gilid lang, tahimik na bumabati sa mga kausap na hindi man lang siya pinapansin. Para siyang reyna na nakatayo pero walang trono.
Pag-upo nila sa VIP table, tinapik siya ni Luca sa balikat. Sumandal ito palapit para walang makadinig.
“Ate, kung gusto mo, sabihin mo lang kung gusto mong umalis dito. Parang… wala kang space dito eh.”
Napangiti si Alyssa, pero bakas sa mata niya ang lungkot na pilit niyang nilulunok.
“Hindi, Luca. Kailangan kong nandito. Kailangan ko ring marinig ng sarili ko na proud siya sa akin… kahit minsan lang.”
Nagsimula ang programa. Isa-isang nag-toast para kay Liam — investors, board, kahit sina Marcus at Darren nagkunwaring mabait. Si Bianca, palihim na humahawak sa braso ni Liam sa tuwing may photographer.
Si Alyssa, kumakapit lang sa wine glass niya. Hindi siya umiinom — alam niya kung anong nasa loob niya. Alam niya kung sino ang pinoprotektahan niya.
Nang matapos ang speeches, tahimik na umupo si Liam sa tabi niya. Doon lang niya ulit naramdaman ang init ng palad nito nang ipatong sa kamay niya.
“Thank you for being here,” maiksi lang na bulong ni Liam, pero sapat na para bumilis ang t***k ng puso niya.
“Liam…” bulong ni Alyssa, pinilit niyang lakasan ang loob. Ito na ba ang tamang oras? Sasabihin ko na ba?
Pero bago pa man siya makasagot, biglang sumulpot si Bianca mula sa likod ni Liam, hawak-hawak ang wine glass niya.
“Cheers for the Navarro Empire!” sigaw ni Bianca sabay taas ng baso — all eyes on her, parang siya ang totoong Navarro Bride.
Naputol ang plano ni Alyssa. Pinilit niyang ngumiti, pero sa ilalim ng mesa, mahigpit ang hawak niya sa tiyan niya.
Sa isang sulok ng ballroom, pinagmamasdan sila ni Don Alejandro. Mabigat ang hininga nito, parang alam niyang may mali.
Sa kabilang dulo naman, si Marcus, palihim na binubulungan ang isang waiter — isang senyas para sa susunod na hakbang na magpapabagsak kay Alyssa.
Nang bumalik si Alyssa sa table, naramdaman niyang sumasakit ang ulo niya. Pinilit niyang umupo nang maayos, pero ramdam niyang nagsisimula nang gumapang ang pagod at kaba.
Lumalim ang gabi, punong-puno ng halakhak at champagne ang ballroom. Bawat tao sa loob, nakangiti kay Liam — lahat gustong makisawsaw sa tagumpay niya. Pero si Alyssa, nakatayo lang sa gilid, pinipilit huwag madapuan ng mga tingin na parang kutsilyong tumataga sa pagkatao niya.
Hindi niya alam, ilang metro lang ang layo niya kina Bianca at Marcus na nakasiksik sa isang private corner, kunwaring abala sa pagto-toast pero palihim na binubuo na ang bitag.
Bianca: “Sabi ko na sa’yo, Marcus. Tonight is the night. Pag napatunayan ng investors na hindi niya kayang dalhin ang pangalan ng Navarro, tapos na siya.”
Marcus: “Siguraduhin mo lang na walang sablay. Kapag nadamay tayo, sabay kitang ilalaglag.”
Maya-maya, lumapit si Bianca sa isa sa mga waiter, tahimik na binulungan ito habang inaabot ang isang maliit na envelope. Makikita sa mga mata ng waiter ang kaba — pero kasabay nito ang takot na hindi makatanggi.
Si Alyssa, hindi mapakali habang nakatayo malapit sa dessert table. Ramdam niyang may mali. Mula sa malayo, natanaw niya si Liam na abala sa pag-uusap sa investors. Wala itong kamalay-malay sa mga bulungan sa paligid.
Lumapit ang waiter kay Alyssa, bitbit ang isang tray ng champagne.
“Ma’am, para po sa inyo, galing kay Sir Liam,” nakangiting pakunwari ang waiter. Hindi na siya nagtanong — kinuha niya ito, dahil akala niya, baka ito na ‘yon — baka ito na ang ‘thank you’ na gusto niyang maramdaman kahit sandali lang.
Pero bago pa niya maiangat ang baso sa labi niya, isang pamilyar na kamay ang humawak sa pulso niya.
Si Luca.
“Ate… wag,” mahina pero matigas ang boses nito.
Napakunot ang noo ni Alyssa. “Bakit?”
Hindi na nakasagot si Luca. Kinuha nito ang baso mula sa kamay niya at inamoy. Saglit lang — pero sapat para makita niyang parang may kakaiba.
Sa di kalayuan, nakatingin si Bianca. Hindi niya alam na si Luca pala ang magiging balakid niya ngayong gabi.
“Ate, promise mo sakin, wag kang basta basta tatanggap ng kahit ano mula sa staff na hindi mo kilala. Lalo na kung may kinalaman kay Bianca at Marcus,” bulong ni Luca, mabilis pero seryoso.
Napalunok si Alyssa. Unti-unti niyang naiintindihan.
So this is it. Hindi pa man ako nakakapagsalita… gusto na nila akong patumbahin.
Umiling siya. Hinawakan niya ang kamay ni Luca.
“Salamat, Luca. Ikaw lang talaga kakampi ko dito.”
Napangiti ang binata. “Hindi kita iiwan. Promise ‘yan.”
Pero sa kabilang dulo ng ballroom, muling lumapit si Bianca kay Liam, kunwari lasing na lasing, humilig dito at kunwaring nagbibiro.
“Liam… hindi mo ba napapansin, ang weird ng asawa mo tonight? Parang… anong tinatago niya? Baka naman… may ginagawa siyang kalokohan behind your back?”
Napatingin si Liam kay Alyssa na nasa may dessert table, nakayuko at halatang tensyonado.
Hindi siya umimik. Pero sa loob-loob niya, unti-unting bumabalik ang init sa dibdib niya na hindi niya alam kung anong tawag — galit ba ‘to o selos?
Habang papalabas ng ballroom si Alyssa para magpahangin, pinilit niyang pigilan ang panginginig ng kamay niya. Hawak-hawak niya ang tiyan niya sa ilalim ng mahaba niyang gown.
Konti na lang… konting tapang pa… sa tamang araw. Kailangan kong ipaglaban ‘to — hindi ako puwedeng bumigay ngayon.
Sa likod, nakasilip si Marcus at Bianca sa pintuan. Pareho silang mapanlinlang ang ngiti — pero ngayon, alam nilang hindi pa tapos ang laro.
Ang lakas ng tugtugan sa VIP lounge pero para kay Alyssa, parang wala siyang marinig kundi t***k ng puso niyang bumibilis sa kaba.
Kanina pa niya sinusundan ng tingin si Liam na abala kuno sa pakikipag-toast sa mga investors, pero bakas sa mga mata nitong palinga-linga kay Bianca na nasa tabi lang.
Napatingin si Alyssa kay Sera na kakarating lang. Saktong bumalik si Sera mula sa biyahe, dala ang balita dapat para kay Alyssa. Pero imbes na matuwa, kabog ang sumalubong kay Sera nang makita ang titig ni Alyssa.
“Alyssa? Anong—”
Hindi na niya natapos. Sinundan nila ng tingin si Liam na biglang lumapit kay Bianca, tapos kunwaring binulungan ito. Saglit lang, nagtagpo ang mga mata nila ni Alyssa — walang emosyon. Tumalikod ito na parang wala siya.
Si Bianca naman, ngumiti kay Alyssa — isang ngiti ng tagumpay — bago sumunod kay Liam. Sa sulok, palihim na nagtama ang tingin nina Marcus at Bianca. Mission complete.
Hindi na napigilan ni Alyssa ang sarili. Hinila niya si Sera papunta sa hallway, tahimik silang sumunod, hanggang umabot sila sa harap ng suite. Doon na niya naramdaman ang lalong bigat sa dibdib niya.
Dahan-dahan, pinagpantay niya ang tenga sa pinto. Sera, nakahawak na sa balikat niya — parang support kung sakali mang bumagsak siya.
May naririnig silang mahinang tawa ni Bianca. Kasunod nito ang boses ni Liam — mababa, magaan… at malinaw ang bawat salitang bumasag sa huling pag-asa ni Alyssa.
Liam:
"You know I only want you, Bianca. I’m so tired of pretending. Hindi ko na kayang tiisin ‘yung babaeng ‘yon sa mansion na ‘yon. You’ve always been the one."
Hinila siya ni Bianca papalapit. Mula sa siwang ng pintuan, kitang-kita nina Alyssa at Sera kung paano inilapat ni Liam ang labi niya sa leeg ni Bianca, habang ang kamay nito ay marahang dumudulas pababa sa likod ng babae — walang pakialam kung sinuman ang makakita.
Bianca: (paungol na tawa)
"Then make me yours tonight. Just like you promised — she doesn’t exist tonight, Liam. Only me."
Bahagyang napatawa si Liam, sabay pisil sa pisngi nito.
"She never did, Bianca. You’re the only one who ever mattered to me."
Para kay Alyssa, bumaon lahat ng salita — parang binunot lahat ng lakas niya. Wala na siyang marinig kundi ang paulit-ulit na “You’re the only one…”
Sa labas ng pinto, hinigpitan ni Sera ang hawak niya kay Alyssa na nanlalambot na sa corridor.
"Lyss… enough. Tama na. Tama na ‘to." bulong ni Sera, nanginginig ang boses pero matatag ang kamay na umaalalay sa kanya.
Sa loob, unti-unting humiga si Liam sa sofa, hinila palapit si Bianca — at walang kahirap-hirap na sinalubong ang halik nito. Kung dati, akala ni Alyssa pinal na ang lahat — ngayon, tinuldukan na ni Liam mismo ang huling hibla ng pag-asa niya.
Hinila siya ni Sera palayo bago tuluyang bumagsak ang luha niya. Ang lakas ng kabog sa dibdib niya, pero wala nang salita.
Ito na ‘yun. Tapos na. Wala na. Siya at ang sikretong anak niya lang ang mahalaga ngayon.
Sa lobby, mahigpit siyang niyakap ni Sera. “We’re leaving, Lyss. You don’t owe him anything anymore.”