Tahimik ang buong Navarro Mansion nang gabing ‘yon — pero sa katahimikang ‘yon, may mumunting tanong na unti-unting kumakalmot sa isip ni Liam. Nasa study siya, nakasandal sa leather chair, mga mata nakapako sa kontrata pero ang utak niya, wala roon. Paulit-ulit lang bumabalik ang isang simpleng tanong na ayaw niyang bitawan. Nasaan si Alyssa? Pilit niyang pinagsasawalang-bahala ang kiliti ng kaba. Bakit ko ba iniisip ‘yan? Dapat wala siyang pakialam. Hindi ba’t iyon ang usapan? Tahimik lang si Alyssa, palaging nasa tabi pero hindi umaangkas sa buhay niya. Invisible. Ganun dapat. Pero ilang araw na rin niyang hindi naaaninag kahit anino nito sa bahay. Kahit ang mahinang ingay ng hakbang nito — wala. Kahit ang maingat na pagsara ng pintuan ng banyo kapag naliligo ito — wala. Pero marahi

