Pagmulat ng mga mata ni Alyssa, ang una niyang narinig ay ang mahina at tuluy-tuloy na patak ng ulan sa malaking salamin ng condo unit. Madilim pa rin ang paligid pero ang mga ilaw ng syudad sa labas ay parang mga bituin na nagsisiksikan sa lupa. Kakaibang lamig ang bumalot sa kanya, pero para sa kanya, ito ang pinakamasarap na lamig na naramdaman niya sa buong buhay niya. Tahimik siyang bumangon mula sa couch kung saan siya nakatulog. Nakita niyang nakaupo sa counter si Sera, suot ang oversized shirt at naka-headphones habang seryosong nagbubukas ng laptop. Halatang hindi pa rin ito natutulog simula nang dumating sila. “Sera…” mahina niyang tawag. Napalingon ang kaibigan niya, sabay tanggal ng earphones. “Good morning na ba ‘to o good evening pa?” biro ni Sera sabay tayo at nilapitan s

