Malamig ang hangin nang bumungad sa kanila ang bagong syudad. Iba ang amoy, iba ang ingay — pero para kay Alyssa, ito ang simula ng katahimikan na matagal niyang ipinagdasal. Madaling araw pa nang iniwan nila ang Navarro Mansion — bitbit lang niya ang kaunting gamit at ang bigat ng sugat na iniukit ni Liam sa puso niya. Sa buong byahe papuntang airport, wala siyang imik. Ni hindi niya napansin kung paano umusad ang sasakyan sa basang kalsada. Sera, nakaupo sa tabi niya sa eroplano, walang ibang sinabi kundi: “Hawak kita.” Yun lang ang kailangan niyang marinig para manatiling buo ang loob niya. Labing-apat na oras. Gano’n katagal ang lumipad sila mula Maynila patungong Europe. Sa loob ng eroplano, paulit-ulit siyang napapapikit pero kada idlip, sumisingit ang alaala: ang malamig na sulya

