Nasa kalagitnaan na ng highway si Liam, papalapit na sa Tagaytay. Tahimik ang paligid, pero mabigat ang bawat t***k ng dibdib niya habang iniisip kung anong mukha ang sasalubungin niya kay Alyssa at sa mga anak nila. Biglang nag-vibrate ang cellphone sa dashboard. Pangalan ni Ethan ang lumitaw. Sinagot niya agad. “Ethan.” “Bro,” malamig pero buo ang boses nito, “bago ka makarating kay Alyssa, kailangan mong malaman ang ilang bagay. Kasi hindi pwedeng pumasok ka sa laban na ito nang bulag.” “Anong ibig mong sabihin?” mariing tanong ni Liam, mahigpit ang kapit sa manibela. “Bianca,” sagot ni Ethan. “Ang kumpanya niya—ngayon ay under attack. Bumibitaw ang mga investors. Oo, partly dahil sa fraudulent contracts na inilabas natin. Pero Liam… may isa pang pwersang kumikilos sa likod ng laha

