Chapter 1: The perfect Lie
Tahimik ang buong bahay pero ramdam ni Elisse ang bigat sa dibdib niya habang nakatayo sa harap ng salamin.
Habang hinihintay ang kanyang asawa. Bukas na ang kanilang anniversary pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Naalala niya pa three years ago nang yayain siya nito magpakasal, they were very much inlove back then. Anong nangyari sa kanila? Kung sana... Sana na buhay ang anak nila baka masaya at perpekto pa rin ang pagsasama nila ni William.
Muling nanikip ang kanyang dibdib. para na nanaman itong pini-piraso. Alam ng Diyos na di niya kagustuhan ang lahat. Aksidente ang nangyari.
Isang taon na mula nang mamatay ang anak nila ni William. isang taon na rin malamig ang kanilang pagsasama. s
Akala nang iba at nang buong pamilya nila na walang nagbago sa relasyon nila. na kagaya nang dati, mahal pa rin nila ang isa't-isa.
Perpekto ang buhay niya kung titingnan ng iba.
Pero siya lang ang nakakaramdam na may mali.
“Late na naman siya…” mahinang bulong niya sa sarili habang sinisilip ang oras sa phone. 9:47 PM.
Sabi ni William, may emergency meeting. Important client. Usual excuse. Paulit-ulit. Gasgas na.
Dati, naniniwala siya agad.
Ngayon… hindi na.
Narinig niya ang tunog ng sasakyan sa labas. Mabilis siyang tumayo, pilit inayos ang mukha, isinukbit ang pilit na ngiti. Ganoon naman palagi kahit masakit, dapat maayos pa rin.
Pumasok si William, suot ang business suit, bahagyang gusot ang kurbata. Pagod ang mukha, pero may kung anong kakaibang ningning sa mga mata niya. Isang ningning na hindi na kay Elisse.
“Sorry, love. Natagalan,” sabi nito sabay halik sa pisngi niya.
Mabilis. Walang lambing. Walang init.
Ngumiti si Elisse. “Kumain ka na ba?”
“Sa office na. I’m really tired.”
Office.
Paulit-ulit niyang nilunok ang salitang iyon. Office. Parang kutsilyong paulit-ulit na itinusok sa dibdib niya.
“William,” tawag niya bago pa ito tuluyang makalayo.
Lumingon ang lalaki. “Yes?”
Gusto niyang umiyak.
Ilang gabi na rin siya kumakain mag isa. palagi itong wala. Ilang gabi na rin na parang sinisibat ang puso niya, pero wala siyang magawa kaya imbis na kulitin ito, sa halip… ngumiti lang siya ulit.
“Nothing. Good night.” aniya.
" Goodnight, honey,"
Tumango si William at tuluyang nawala sa hallway.
Nang maisara ang pinto ng kwarto, doon lang bumigay si Elisse. Umupo siya sa sofa, hawak ang phone. Isang pangalan ang kumikislap sa isip niya isang babaeng matagal na niyang nararamdaman kahit wala siyang ebidensya.
Stacey.
Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang kutob. Basta isang araw, hindi na bumalik ang tiwala niya sa asawa niya.
At doon nagsimula ang pagkakamali ng kanyang asawa.
Hindi dahil nagmahal ito ng iba,
kundi dahil inakala nitong mananatiling bulag si Elisse.
Hindi agad nakatulog si Elisse nang gabing iyon.
Nakahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame, habang naririnig ang mahinang tunog ng shower mula sa banyo. Si William. Ganoon palagi umuuwing pagod, tahimik, at may distansyang hindi niya maipaliwanag.
Noon, sabay silang naliligo.
Noon, sabay silang natutulog.
Noon, may kami pa.
Ngayon, parang multo na lang siya sa sariling kwarto.
Nang lumabas si William sa banyo, balot ng tuwalya ang baywang, hindi man lang siya tinignan. Dumiretso ito sa closet, nagbihis, at humiga sa kabilang gilid ng kama.
Walang good night kiss.
Walang yakap.
Walang tanong kung okay lang ba siya.
“William,” maingat niyang tawag, halos pabulong.
“Hmm?” sagot ng lalaki, nakatalikod.
“May problema ba tayo?”
Tahimik.
Akala ni Elisse hindi na sasagot. Sanay na siya sa ganito mga tanong na nilulunok, mga salitang hindi binibigkas.
“Pagod lang ako,” sa wakas ay sabi ni William. “Please, let’s not start this.”
Let’s not start this.
Parang kasalanan pa niyang magtanong.
Tumalikod si Elisse, pilit pinipigilan ang luha. Hindi ito ang lalaking pinakasalan niya. Hindi ito ang William na nangangakong hindi siya pababayaan.
Kinabukasan, habang nag-aalmusal sila sa mahabang mesa ng mansion, halos walang imikan. Nakatuon si William sa phone niya. typing, smiling faintly, then quickly hiding it.
Napansin iyon ni Elisse.
“May meeting ka na naman?” tanong niya, casual kunwari.
“Yes. Whole day,” mabilis na sagot.
“Saang company?”
Natigilan si William. Saglit lang pero sapat para mapansin niya.
“Uh… foreign partners. I told you already.”
Hindi niya sinabi iyon. Sigurado siya.
Tumango si Elisse. Hindi na siya nakipagtalo. Sa halip, nagpasya siyang manahimik at magmasid.
Pagkaalis ni William, kinuha niya ang coffee mug at naupo sa sala. Doon niya napansin ang jacket na naiwan sa sofa. Dati, hindi ito iniiwan ni William. Parang laging may tinatago.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang bulsa.
Isang maliit na kahon.
Kumirot ang dibdib niya habang binubuksan iyon.
Isang silver necklace, simple, elegant, at halatang hindi para sa kanya. Hindi niya iyon style. Hindi niya iyon hiningi. At lalong hindi niya iyon natanggap.
Parang biglang gumuho ang mundo niya.
Hindi siya umiyak agad. Sa halip, napaupo siya sa sahig, hawak ang kwintas, nanginginig ang mga kamay.
Hindi pa ito ebidensya, sabi ng isip niya.
Baka gift sa client. Pilit niyang kinumbinsi ang isip niya.
Pero sa kaibuturan ng puso niya, alam na niya ang sagot.
At doon niya unang binigkas ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan. May babae ang asawa niya
****
Samantala sa loob ng kanyang pribadong
opisina, ngumiti si William habang tinititigan ang phone niya.
"Miss you already,"
— Stacey
Huminga siya nang malalim, may halo ng kaba at pananabik. Alam niyang mali. Alam niyang may masasaktan.
Pero mas pinili niyang huwag isipin iyon.
Hindi pa niya alam na ang bawat kasinungalingang binuo niya
ay unti-unting sisira sa lahat ng meron siya.