Hemira 30 - Nadagdag na Kasamahan ~Yohan~ Wala na. Tapos na. Tapos na ang panaginip ko. Pero sana panaginip na lang talaga 'to. Sana, paggising ko, hindi talaga ganito 'yung nangyayari sa akin. Sana, kasama ko pa rin si Hemira at masaya kaming dalawa na maglalakbay pa sa lugar na pagdadalhan ko sa kanya. Puro sana pero alam kong hindi na mangyayari 'yung mga 'yon. Dahil tapos na nga. Tumayo na ako at pinunasan ang mukha ko na basang-basa ng luha. Nakatulala lang ako at nagsimula ko nang ihakbang ang mga paa ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta naglalakad lang ako at humahakbang ng kusa ang mga paa ko. May mga tumutulong luha sa mga mata ko pero hinahayaan ko na lang dahil kahit punasan ko nang punasan 'yon, alam ko naman na mababasa pa rin 'yon ng mga luha kong hindi mau

