Hemira II 29

2617 Words
Hemira 29 - Pagbalik ~Yohan~ May papalapit sa amin na isang tao. Itim ang suot niya at itim din ang buhok niya. Umuusok pa 'yung bibig niya sa paghinga. Habang papalapit siya nang papalapit, mas nagiging pamilyar sa akin ang prinsesya niya at nang iangat niya na ang mukha niya, nanlaki ng sobra ang mga mata ko at napanganga pa ako sa sobrang pagkabigla. "E-euvan?" hindi ko makapaniwalang tawag sa kanya. May eyepatch pa siya sa kaliwang mata niya at normal naman 'yung nasa kanan na matalas na nakatingin sa akin. 'Yung tingin niya, halatang-halatang kilala niya kung sino ako. "P-paanong?..." Hindi ko nagawang ituloy 'yung sinasabi ko dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon. Ang buong akala naming lahat, wala na siya katulad ni Hemira noon. Hindi pa rin magsink in sa utak ko ang nangyayari nang maglakad na siya palapit pa sa akin. Kaharap na kaharap ko na siya ngayon pero may hinila siya mula sa likuran ko at si Hemira 'yon na halatang nabigla rin ng sobra sa pagkakakita sa kanya. "E-euvan... Paano mo ako nasundan dito?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "Kailangan mo nang bumalik sa palasyo, Hemira." Seryosong-seryoso niyang sabi. Unti-unting nangunot ang noo ko. May naiisip na rin akong hindi maganda tungkol sa kaniya at sa ginawa niya kay Hemira. "Ngunit Euvan—" "Kailangan mo nang bumalik. Naghihintay na sa iyo ang ating mga kasamahan." pagpupumilit niya pa rin. Hindi na ako nakapagpigil sa sobrang galit ko dahil sa natanto ko. Hinawakan ko siya sa balikat niya at iniharap sa akin. "WALANGHIYA KA! TRAYDOR!" Sinuntok ko siya ng napakalakas sa panga niya kaya napaupo siya sa yelong sahig. Napasinghap naman si Hemira. "Euvan!" Hinawakan ko agad siya sa braso niya para hindi niya malapitan si Euvan. "'Wag mo siyang lapitan, Hemira! Isa siyang traydor sa atin!" Nagtatagis ng sobra ang mga ngipin ko sa galit. "A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya. Hinawakan ko sa kwelyo si Euvan at pilit ko siyang inangat. "Walanghiya ka, Euvan! Napakawalanghiya mo! Kasama ka pala sa mga nanloloko kay Hemira! Isa ka pala sa mga hayop na 'yon, fucksh*t ka!" Sinuntok ko ulit siya sa mukha niya ng malakas. "Yohan, tama na!" awat sa akin ni Hemira. Susuntukin ko pa sana siya pero hinawakan ni Hemira 'yung kamao ko kaya hindi ko naituloy 'yon. Galit na galit ko siyang tiningnan. "Bakit mo ako pinipigilan, Hemira?! Ginagawa ko 'to para sa 'yo! Iginaganti kita sa kahayupan na ginawa nitong gagong 'to sa 'y—" "Sinabi nang tama na!" sigaw niya at itinulak ako ng malakas palayo kay Euvan. Napaupo ako sa sahig sa ginawa niya. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko... sa sobrang pagkabigla sa ginawa niya sa akin. Nang tingnan ko sila, tinutulungan niyang makatayo si Euvan. "Ayos ka lamang ba, Euvan? Ang iyong labi! Nagdurugo ang iyong labi!" Bakas na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha niya. Biglang kumirot ang dibdib ko. Sobrang kirot n'on. Hindi ako sobrang makapaniwala na mas inaalala niya si Euvan. Nagsimulang kumawala ang mga luha ko. "B-bakit?..." Halos wala nang boses 'yung pagkakasabi ko n'on. Galit na galit niya akong tiningnan. "Hindi mo dapat ito ginawa kay Euvan!" Nanlaki ang mga mata ko sa pagsigaw niya na sa akin na 'yon. Galit na galit talaga siya. Kumirot na naman ang dibdib ko pero ngayon, mas masakit. Mas lalong nangilid ang mga luha ko."B-bakit Hemira?... B-bakit mas kinakampihan mo pa rin siya?... H-hanggang ngayon pa rin ba, hindi ka pa rin naniniwala sa akin?" "Matagal ko nang kasama si Euvan at siya ang pinakamalapit kong kaibigan. Hindi niya ako kayang gawaan ng masama kaya ang iyong masasamang bintang na iyan sa kaniya ay hindi ko kayang palampasin!" Nanlalabo na ang paningin ko sa pag-ipon ng luha sa mga mata ko. Hindi ko na sila makita pero alam ko... Kahit hindi ko nakikita... Ramdam na ramdam ko naman ang galit sa kanya. Napayuko na lang ako at nakuyom ang mga kamao ko. "Napakawalanghiya mo talaga, Euvan. Bakit mo 'to ginagawa kay Hemira? Pagkatapos niyang gawin ang lahat para sa atin dati, ganito ang igaganti mo sa kanya?!" "Hindi ko alam ang iyong mga sinasabi," patay malisyang sabi ni Euvan. Natigilan ako. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Matalas lang ang tingin niya sa akin katulad ng mga tingin niya noong una pa lang namin siyang maging kasamahan. Napakuyom na ako ng mas mahigpit ng mga kamao ko at napatayo na sa sobra-sobrang galit na nararamdaman ko. "Hayop ka talaga!" Nang malapitan ko siya ay kinuwelyuhan ko agad siya na halos mapilas ko na 'yon. "Alam na alam mo ang lahat ng katotohanan, Euvan! Alam kong hindi ka nawalan ng alaala katulad niya kaya sinamantala n'yong mga mostro 'yon para bilugin ang ulo niya! Pero ang hindi ko matanggap, kasamahan ka namin dati! Tayo-tayo nila Serafina, magkakasama tayo no'ng sumugod sa Abellon para iligtas siya pero bakit mo 'to ginagawa sa kanya?! Kung talagang nasa matino kang pag-iisip, ibinalik mo siya dapat sa aming traydor k—!" Bigla niya akong sinuntok ng malakas sa labi ko kaya napabitaw ako sa kanya. Natikman ko pa ang dugo ro'n. Galit na galit ko siyang tiningnan. Walang emosyon 'yung mga mata niya. "Hindi ko alam ang iyong sinasabi." Talagang sumiklab na ng sobra ang galit ko. "Hindi mo alam? Sige! Tingnan natin kapag hindi ka pa umamin sa gagawin kong pagtusta sa 'yo! Fire Maiden! Let me borrow thy power! Fire magic rel—" May biglang nagtakip sa bibig ko at si Hemira 'yon. Ang talas ng tingin niya sa akin. "Hindi ko hahayaan na magsakitan kayo sa aking harapan. Sa paggamit mo rin ng iyong mahika ay baka madamay pa ang ibang lugar dito." Gusto ko pa sanang magsalita pero diniinan niya 'yung pagkakatakip sa bibig ko. "Kung mayroon kayong nais pag-usapan, mag-usap kayo nang maayos at huwag gumamit ng dahas. Ipaliwanag mo rin nang maayos ang iyong sinasabi, Yohan." Binitiwan niya na ako. Hinawakan kaagad siya ni Euvan sa braso niya. "Hemira, bumalik na tayo sa palasyo." Nagsimula na naman akong mapikon sa Euvan na 'to at aambahan na siya ng suntok pero tiningnan na naman ako ng matalas ni Hemira para patigilin. Kahit labag ng sobra sa loob ko, ibinaba ko na lang ang kamao ko dahil alam kong lalo lang siyang magagalit sa akin. Tumingin na ulit siya kay Euvan. "Nagpunta ka ba rito dahil nais mo na akong pabalikin?" Tumango naman 'yon sa kanya. Napahinga siya ng malalim na parang ikinokonsedera niya na bumalik na kaya naman hinawakan ko agad siya sa braso niya. "Hemira, 'wag mong sabihing sasama ka talaga sa traydor na 'yan?!" Napapikit naman siya ng mariin at halatang naiinis na. "Tigilan mo na ang pagtawag sa kaniya ng traydor dahil hindi siya ganoon!" "Pero 'yun siya! Siya ang pinakamagandang halimbawa ng salitang 'yon! Isang sinungaling! Manloloko! At mapagsamantala!" "Yohan! Sinabi nang tama na!" Tuluyan nang naputol ang pisi ng pasensya ko. "Eh di sige! Kampihan mo siya! Mas pinaniniwalaan mo naman siya, 'di ba?! Eh ano nga naman ba kasi ako sa buhay mo? Isa lang naman akong nagsusumiksik at nagpipilit sa 'yo na ipaalala ang lahat ng dapat mong maalala para iligtas ka mula sa mga manlolokong 'yan pero ako pa 'yung nagiging masama!" Halatang nabigla siya sa mga nasabi ko pero wala na talaga. Hindi ko na kinaya. Sa tuwing napupunta kami sa ganitong sitwasyon na tungkol sa mga nawala niyang mga alaala, palagi na lang ako 'yung nagmumukhang masama at nag-iimbento pero ang totoo, ako ang nakakaalam ng katotohanan na sobrang ayaw niya namang paniwalaan. Naramdaman ko na naglandas na naman sa mga pisngi ko ang mga luha ko. "Ginawa ko na ang lahat, Hemira! Ginawa ko na para maalala mo ulit ako! Alam kong may mga naaalala ka na kahit papaano pero bakit itinatanggi mo pa rin na hindi totoo 'yung mga 'yon?! Bakit?!" "Y-yohan..." Bakas na ang pagkaguilty sa mukha niya. Siguro, naiisip niya na rin sa wakas 'yung nagawa niya sa akin. Sinubukan niyang hawakan 'yung kamay ko pero iniiwas ko 'yon. Punong-puno na ako at pakiramdam ko, umaapaw na rin 'tong nararamdaman kong halo-halong emosyon. Matagal na akong naiinip na maalala niya ako at ngayong unti-unti na nga niya akong naaalala, may dumating namang eepal sa aming dalawa. Nakakairita na. Sobrang nakakairita na. "Yohan, naniniwala na naman ako na may koneksyon tayong dalawa noon gaya nang lagi mong binabanggit ngunit... ngunit matagal ko nang kasama si Euvan at hinding-hindi ko matatanggap na ako'y kaniya lamang niloloko." "Eh 'di tanggapin mo! 'Yun ang totoo, Hemira kaya dapat mong tanggapin 'yon!" Napayuko siya at napakuyom ng kamao niya. "Ngunit mahirap ang nais mong iyan." May pumitik na naman sa pasensya ko. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa balikat niya. "Mahirap?! Mahirap?!" Hinawakan ni Euvan 'yung braso ko para pigilan ako pero tinabig ko 'yon. "'Wag kang mangialam!" Ang talas ng tingin niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Puno ng frustration na tumingin ulit ako kay Hemira. "Mahirap 'yung gusto kong mangyari, 'no? Ang hirap, sobra. Eh ako ba? Hindi ba ako nahihirapan? Halos araw-araw lang naman akong natatakot na baka bigla ka na lang umalis at iwan ulit ako. Araw-araw lang din naman akong natatakot na baka bigla ka na namang mawalan ng mga alaala." Napahigpit ang hawak ko sa balikat niya. "Naiisip mo ba 'yon, Hemira? Hah?! Naiisip mo ba 'yung paghihirap ko na 'yon?! Hindi 'di ba? Hinde!" Wala na. Nawala na talaga ang kontrol ko sa sarili ko. Inalis ni Euvan ng malakas 'yung mga kamay ko sa balikat ni Hemira. "Tigilan mo na siya." Nanlilisik na 'yung mga mata niya at alam kong nagpipigil lang siya na patayin ako. Gusto ko pang magalit ng sobra. Gusto kong sumigaw ng sumigaw at magwala pero wala na akong lakas. Sa mga panunumbat ko lang na 'yon sa kanya, pakiramdam ko, naubos na ang lahat ng lakas ko. Ang kaya ko na lang gawin ay ang umiyak ngayon at mafrustrate ng sobra. "Halika na, Euvan." Napatigil ako sa pag-iyak at nanlaki ang mga mata ko. Narinig ko ang mga yabag nila na papalayo na sa akin. Ang labo ng paningin ko pero naaaninag ko pa rin ang pag-alis nilang dalawa. Kumirot na naman ang dibdib ko at nakuyom ko ng sobra ang mga kamay ko. "Sige! Sumama ka na sa kanya! Wala na akong pakialam! Pero kapag bumalik na 'yung alaala mo, magsisisi ka ng sobra na iniwan mo ako ng ganito! Pagsisisihan mo talaga na pinili mo 'yang sinungaling na 'yan!" Patuloy pa rin sila sa paglalakad at ni hindi man lang niya ako nililingon. "Pagkaalis n'yo, babalik na ako sa Gemuria! Pakakasalan ko na si prinsesa Ceres gaya ng gusto mo dati! 'Di ba, sabi mo naman, pakasalan ko na siya kaya gagawin ko! 'Wag na 'wag kang pupunta sa kasal namin na umiiyak!" sigaw ko sa kanya. "Sombro Portale." pagbubukas niya ng isang dark portal na paniguradong daan pabalik ng lugar nila. Mas lalo akong naiyak at nagbreak down na ako dahil halatang-halata na wala na talaga siyang pakialam sa akin. Sobrang hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung ano ba dapat ang sasabihin ko... Susumbatan ko pa ba siya? Tatakutin? Sisigawan?... Hindi ko na talaga alam. Patuloy ang pagluha ko. "Hemira... Ilang beses mo ba ako gustong saktan sa pag-iwan sa akin ng paulit-ulit hanggang sa masiyahan ka?" Napatigil siya sa paglalakad papasok sa portal. "Gusto mo ba talagang tuluyan na akong mabasag?..." Lumingon siya sa akin ng kaunti. Pinipigilan ko na mapahikbi. "Hemira, halika na." aya sa kaniya ni Euvan kaya napatingin siya ro'n. Parang inapakan niya ang basag at pira-piraso nang puso ko nang tumango siya at maglakad na ulit sila. "Hemira... Please... 'Wag mo naman akong iwan ulit... Pakiusap..." pagmamakaawa ko sa kaniya pero ro'n, pumasok na sila sa loob ng portal na 'yon. "Hemira!" sigaw ko at kaagad akong tumakbo papunta sa kanya. Nahawakan ko pa 'yung daliri niya pero nabitawan ko rin 'yon at tuluyan nang sumara ang portal. Doon na rin gumuho nang tuluyan ang mundo ko. Para akong itinulak sa malalim na balon. Napaluhod na lang ako dahil nawalan na ng lakas ang mga tuhod ko. Wala na akong maramdaman sa katawan ko. Namamanhid na ako. Hindi ko na rin ramdam ang mga luhang walang tigil sa paglandas sa pisngi ko. "H-hindi totoo 'to..." Nawawala na ako sa sarili ko. Napahawak ako sa dibdib ko na sobrang kumikirot at nang magsink-in na sa akin ang nangyari, napahigpit na ng sobra ang hawak ko ro'n at napaiyak ng sobra. Gusto kong tawagin ang pangalan niya pero hindi ko magawa... Walang gustong lumabas na salita sa bibig ko miski ang pangalan niya. Akala ko, magiging ayos na ang lahat. Sobrang saya pa namin kanina na naglalaro ng nyebe pero ngayon... Iniwan niya na naman ako. ~Kabundukan ng Hatim (Lugar na sinabi ni Hemira kay Handro na pag-eensayuhan niya ng kaniyang mahika)~ ~Hemira~ Nakalabas na kami ni Euvan ng mahikang lagusang aking ginawa at kami'y napunta rito sa kabundukan ng Hatim. May kadiliman at puro puno ang paligid. Napakatahimik din. "Hemira... Please... 'Wag mo naman akong iwan ulit... Pakiusap..." Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa labis na pagkirot niyon habang kami'y naglalakad. Pakiramdam ko ay may napakalaki akong kasalanang ginawa. Ang umiiyak na mukha ni Yohan kanina... Lubos na bumabagabag iyon sa akin. Ang kaniyang mga mata... Puno ng sakit iyon at may labis ding pagmamakaawa. Tumigil ako sa aking paglalakad at tiningnan ko ang aking kamay kung saan nahawakan niya kanina ang aking daliri nang ako'y makapasok na ng portal. Hindi na mapakali ang aking damdamin. Namumugad na rin nang labis ang kalungkutan sa aking puso sa pag-alala lamang doon. "Hemira." tawag sa akin ni Euvan kaya ako'y napatingin sa kanya. Siya'y nasa aking harapan at nakatingin ng matiim sa akin. Halatang binabasa niya ang aking iniisip. "Alam na alam mo ang lahat ng katotohanan, Euvan! Alam kong hindi ka nawalan ng alaala katulad niyang kaya sinamantala n'yong mga mostro 'yon para bilugin ang ulo niya!" Napahigpit ang aking pagkakahawak sa aking dibdib. "Euvan, matagal na tayong magkasama. Nang imulat ko ang aking mga mata simula nang mawalan ako ng alaala ay ikaw ang pinakaunang aking nasilayan. Nagkasama tayo nang lagpas kalahating taon at hindi ka nawawala sa aking tabi. Kayo ni Melba ang pinakamamahal ko pati na rin si ama ngunit tama ba talaga na pinagkatitiwalaan kita?" Tiningnan ko rin siya ng may tiim. Hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon at hindi ko mabasa ang kaniyang iniisip. "Pumunta na tayo sa tirahan na ipinagawa namin para sa iyo. Kailangan mo nang magpahinga." Tumalikod na siya para maglakad paalis. Napayuko ako sa pag-iisip. Tama ba talaga na iniwan ko roon si Yohan. Naalala ko nang akala niya'y aalis ako dahil sa ginawa niya sa akin sa palasyo ng Boreas, labis na pagmamakaawa ang nabakas noon sa kaniyang mga mata. Tila isa siyang batang ayaw na ayaw iwanan ng kaniyang ina. Tama ba talaga na ginawa ko sa kaniya ang napakasakit na bagay na iyon? "Hemira... Ilang beses mo ba ako gustong saktan sa pag-iwan sa akin ng paulit-ulit hanggang sa masiyahan ka?" Sumagi sa aking isipan ang kaniyang labis na pag-iyak. Ang namumugto niya ng mga mata at bawat patak ng kaniyang mga luha. Labis ang naging pagkirot ng aking dibdib sa pagsagi ng mga iyon sa aking isipan. Hindi ko siya nais saktan. At hindi ko dapat gawin iyon sa kaniya dahil... dahil lahat ng ginawa niya sa akin ay para pasayahin ako. "Tayo pa ring dalawa hanggang sa huli..." "Euvan." tawag ko kay Euvan kaya napalingon siya sa akin. Seryoso lamang akong nakatingin sa kanya. "Patawad ngunit kailangan kong bumalik."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD