Hemira 22 - Kaharian ng Priam
~Yohan~
"Hemira, gusto mo, magpadulas ka tapos hahabulin kita. Kapag nahabol kita at nahuli, tutuparan mo ako ng isang hiling. Ano? Gusto mo bang subukan?" hamon ko kay Hemira na napatigil sa pagpapadulas.
Napatingin siya sa 'kin. "Kapag hindi mo ako nahuli?"
Nagkibit-balikat ako. "Ikaw. Ano bang gusto mong hingiin sa 'kin?"
Parang nangislap naman 'yung mga mata niya. "Kailangan nating hintayin na umulan ng nyebe sa lugar na ito bago tayo umalis."
Walang dala-dalawang isip na tumango ako. "Deal. Pagkabilang ko ng tatlo, magpapadulas ka na at hahabulin na rin kita."
Tumango naman siya.
Medyo malayo 'yung distansiya ko sa kaniya pero ayos lang.
Alam kong kaya ko siyang maabutan dahil mayroon akong secret plan. Mwehehehe!
"Isa! Dalawa! Takbo!" sigaw ko at nagpadulas na nga siya palayo sa 'kin.
Nag-i-skate na rin ako para habulin siya.
Ang bilis niya na parang sanay na sanay na siya.
Kanina pa kasi siya padulas ng padulas pero hindi ako magpapatalo.
Binilisan ko ng sobra 'yung sarili ko at maaabutan ko na siya.
Malayo na 'yung nararating namin.
Natatanaw ko na 'yung napakaraming mga pine trees kaya napangisi ako. "Mahuhuli rin kita."
Patuloy siya sa pagpapadulas niya nang hindi namin inaasahan na may pababang slope palang naghihintay sa 'min.
Hindi naman 'yon mataas.
Nanlaki 'yung mga mata ko kasi baka delikado pa rin 'yon.
Pinilit pang pigilan ni Hemira ang sarili niya para hindi mapadaan doon at nagawa niya nga pero dumulas ako dere-deretso papunta na sa direksyon niya.
"Waaaahhhhh!" sigaw ko kaya napatingin siya sa 'kin at nanlaki rin ang mga mata niya pero huli na ang lahat.
Napayakap na ako sa kaniya at dalawa kaming nagpagulong-gulong paibaba.
Ang higpit ng yakap ko sa kaniya at pinoprotektahan ko 'yung ulo niya hanggang sa matigil na 'yung paggulong namin at napatihaya na lang kami ng higa.
Habol na habol namin ang hininga namin habang nakatingin sa maliwanag na kalangitan.
"Hahaha! Napakasaya naman niyon! Ang sarap sa pakiramdam!" tuwang-tuwang sabi niya.
Hingal pa rin akong napatingin sa kanya. "Hanong masaya ro'n... Hah? Muntik na tayong... mamatay..."
Ang plano ko lang kanina, cornerin siya kapag nakaabot na siya sa mga pine trees at hindi ko talaga inaasahan 'tong slope na to.
Umupo na siya at umupo na rin ako.
Tiningnan ko 'yung pataas naman na slope na na kaduktong ng pababang slope na pinanggalingan namin.
'Yun 'yung aakyatin namin para makapunta uli sa taas.
"Hindi ko inaakalang napakasaya palang gawin ng mga ganoong bagay sa mga lugar na katulad nito."
Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya.
Ang lawak ng ngiti niya at bakas na bakas sa kaniyang ang sobrang pagkatuwa.
Napangiti tuloy ako.
Masaya na ako kapag masaya siya.
"Ngayon pa lamang ako nakalabas at nakalayo ng masyado sa aming palasyo kaya naman bagong-bago ito sa aking pakiramdam. Siguradong kapag isinama ko rito sila Melba ay masisiyahan din sila katulad ko."
Biglang nawala ang ngiti ko. "Bakit sila pa rin 'yung iniisip mo imbis na kami nila Kirion?"
Nawala rin ang ngiti niya at napatingin din sa 'kin.
"Kailan ka na lalabas, tunay na Hemira? Paano ba kita mapapabalik?" tanong ko sa kanya.
Nakaramdam na naman ako ng kalungkutan na nitong mga araw ay hindi ko na nararamdaman.
Nakatingin lang siya sa 'kin at alam kong pinipigilan niya ang sarili niyang makipagtalo sa 'kin.
Tumayo na ako at pinagpagan ko ang likuran ko.
Tumayo na rin siya at tinulungan ko siyang pagpagan 'yung damit niya. "Nahuli kita. Ibig sabihin, may hiling ako na dapat mong tuparin." pag-iiba ko sa usapan namin.
"Ano ba ang iyong hiling?"
Inilapit ko agad 'yung mukha ko sa kaniya pagkatanong na pagkatanong niya.
Hindi siya lumiyad palayo at hindi natinag sa pagtingin sa mga mata ko.
"Alalahanin mo na kami." seryoso kong sabi sa kaniya na hindi kumukurap.
"Tulong! Pakiusap! Tulungan n'yo ako!"
Bigla kaming napalingon sa direksyon ng pinanggagalingan ng sigaw na 'yon. Boses 'yon ng isang batang lalaki.
Nanlaki ang mga mata namin nang makitang isang batang nakasuot din ng coat ang aatakihin na ng isang napakalaking halimaw na Yeti.
Parang si kingkong 'yon na sobrang mabalbon na puti pero deretso nga lang ang tindig.
"HAAAAAAWWWRRR!" atungal n'on at kakalmutin na sana ang bata.
"Fugio!" cast ng spell ni Hemira ng spell at lumipad kaagad sa bata saka niya dinagit 'yon bago pa man makalmot 'yon ng Yeti.
Kinuha ko agad ang pana ko at pinindot 'yon para mabuksan.
"MAGIC ARROW!" pagpapakawala ko ng mahikang palaso ko at tinamaan ko 'yon sa may balikat.
"HAAAAAWWWWRRR!" atungal ulit n'on pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla 'yong tumakbo papunta sa 'kin habang nanlilisik ang mga mata.
Halatang gusto akong lasugin n'on kapag nahawakan niya na ako pero hindi ako papayag.
Ako yata si Yohan!
"Ice Maiden! I humbly summon thee! Nero release!" pagtawag ko kay Nero.
Lumabas naman kaagad siya at gumawa ng malaking harang na yelo sa pagitan namin ng Yeti na 'yon.
Nakahinga ako ng maluwag dahil nakatakas ako sa life and death situation na 'yon pero nang hampasin ng halimaw na 'yon 'yung yelo ng malaki niyang kamao, nagkacrack agad 'yon.
"Sh*t!" mura ko kasi hindi ko inakalang gano'n kalakas 'yon.
Bago pa man mabasag ang harang, ginawa na kaagad 'yon ni Nero na mga malalaking patusok na yelo at saka pinalipad sa katawan n'on.
"HAAAAAWWWWWWRRRR!" napakalakas na atungal n'on at doon ay napahiga na ng tuluyan sa sahig habang umaagos ang mga dugo sa yelo.
Tumigil na ang malakas na pagkabog ng dibdib ko at napapunas ako ng noo ko kahit na wala namang pawis 'yon sa lamig ng panahon dito.
Hinanap ko agad si Hemira at ang batang inilipad niya sa ere at pababa na siya sa direksyon ko.
Nang makalapag na siya, nilapitan ko agad siya. "Ayos lang ba kayong dalawa?" tanong ko sa kaniya at tiningnan ko ang batang karga niya.
Yakap na yakap sa leeg niya 'yon at halatang ayaw bumitaw sa kanya.
Humihikbi rin 'yon ng pag-iyak.
"Ikaw dapat ang aking tanungin muli niyan at hindi ako," sagot niya sa 'kin pero nang mapatingin siya sa lumapit sa 'ming si Nero, bigla siyang naalarma.
"Sino ka?!" sigaw niya at niyakap ng mabuti ang batang karga niya.
Hinawakan ko siya sa balikat para pakalmahin. "Kaibigan ko rin siya, Hemira. Summoner o Tumatawag ako kaya nakakatawag ako ng mga katulad niya. Hindi siya kaaway."
Lumapit sa kaniya si Nero at halatang hindi ito makapaniwala na nakikita siya ngayon. "Buhay ka, Hemira?" tanong nito sa kanya.
Nangunot naman ang noo niya. "Kilala mo ako?"
Doon ko naisip na pwedeng sabihin sa kaniya ni Nero na magkakilala na sila noon.
"Oo. Nagkalaban tayo noon sa moderno dahil pinoprotektahan ko mula sa iyo si prinsipe Argyris ngunit—"
"Ano?! Naglaban tayo noon?! At pinoprotektahan mo si Yohan mula sa akin?! Ngunit ang sabi niya sa akin ay magkakampi kami noon kaya bakit mo siya kailangang protektahan mula sa akin?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakaturo sa 'kin.
Nanlaki 'yung mga mata ko kasi na-misinterpret niya 'yung sinabi ni Nero.
"Sandali lang, Hemira. Pakinggan mo muna 'yung mga sasabihin niya bago ka mag-isip ng kung ano-ano." pangungumbinsi ko sa kanya.
Sinubukan ko pa siyang hawakan sa braso niyang nakayakap sa batang lalaki pero lumayo siya sa 'kin.
"Ngunit sinabi niya na na magkalaban kami noon. Ibig sabihin ay hindi totoo ang iyong mga sinabi sa akin na kasamahan kita noon." Puno na ng pagdududa 'yung tingin niya sa 'kin.
"Hindi 'yon ang ibig niyang sabihin, 'di ba Nero?" tanong ko kay Nero at tumango-tango naman siya.
"Hindi ko man alam kung bakit kayo naglaban noon pero hindi mo dapat isipin na kasinungalingan 'yung mga sinabi ko sa 'yo. Totoong kasamahan mo ako dati. Hindi ka pa rin ba nagtitiwala sa akin? Ilang araw na tayong magkasama at hindi ako makapaniwala na hindi ka pa talaga nagtitiwala sa akin." Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko.
Akala ko, nagiging malapit na siya sa akin simula nang malaman niyang dito kami sa Boreas pupunta pero parang wala pa rin pala sa kalahati ang tiwala niya sa akin.
"Unti-unti na akong nagtitiwala sa iyo ngunit dahil sa mga impormasyong aking nalalaman sa iba ay tila mas lalong hindi nagiging akma ang mga sinabi mo sa akin," sabi niya.
"Ngunit Hemira, ang aking sinasabi kanina ay hindi ang nasa iyong isipan. Hindi mo kasi ako pinatapos kaya paano ko masasabi sa iyo ang aking mga nais sabihin?" tanong ni Nero sa kanya.
"Huwag mo nang sabihin sa kaniya Nero kung ano 'yung mga dapat mong sabihin. Tutal naman, hindi naman siya maniniwala kahit ano pang sabihin mo... kasi wala siyang tiwala sa atin... sa akin. Hindi siya makikinig sa 'yo kasi ang tingin niya sa atin, kalaban." seryosong-seryosong sabi ko at kasinglamig ng boses ko ang panahon dito.
Nakatingin lang siya ng deretso sa mga mata ko at hindi ako nagpatinag ng tingin sa kanya.
"HAAAWWWRRR!" atungal ng isang Yeti na mukhang malapit lang sa 'min. Kasamahan panigurado 'yon ng Yeti na pinatay namin.
"UWAAAAAAAA!" biglang palahaw ng batang karga niya kaya sabay-sabay kaming napatingin do'n.
"Ubo (Kuya) Theo! Ama! Natatakot ako! UWAAAAA!" sabi n'on habang iyak ng iyak.
"Prinsipe Zenon? Ikaw ba iyan?" tanong naman ni Nero at naglakad papunta sa likuran ni Hemira para matingnan ang batang 'yon.
Nanlaki naman ang mga mata niya na parang kilala niya 'yon. "Prinsipe Zenon! Bakit ka naririto?! Paano ka nakalabas ng inyong palasyo?!"
Pumunta rin ako sa likuran ni Hemira at nakita ko na rin 'yung mukha ng batang 'yon.
Maitsura siyang bata at namumula-mula 'yung pisngi niya sa lamig at pasinghot-singhot din siya.
Ang kapal din ng pilikmata niya kaya mukhang siyang babae kahit lalaki siya.
Tingin ko, 5 to 6 years old pa lang siya.
"Bakit Nero? Sino ba 'tong batang 'to?" tanong ko kay Nero.
Puno ng pag-aalala ang mukha niya.
Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kasi ang lamig-lamig lagi ng mga tingin at pakikitungo niya dati.
"Siya ang bunsong prinsipe ng kaharian ng Priam at hindi ko batid kung paano siya napunta rito."
Gusto niyang kargahin 'yung batang 'yon pero ayaw bumitaw n'on kay Hemira at iyak lang ng iyak.
"Zenon pala ang iyong pangalan, munti. Huwag ka nang umiyak dahil wala ng halimaw na mananakit sa iyo. Kung mayroon man ay kami ang bahala sa mga iyon upang hindi ka nila masaktan," pang-aalo ni Hemira sa batang 'yon at tinapik-tapik niya pa ng mahina ang likod n'on.
Dahan-dahan naman 'yong tumigil sa pag-iyak at tumingin sa kanya.
Pinusan niya ang luha sa mga mata n'on at nginitian. "Tingnan mo ang paligid. Wala na ang halimaw."
Agad naman na binalot ni Nero ng yelo 'yung katawan ng patay na Yeti sa sahig bago tumingin sa paligid si Zenon.
Napatangin ito sa nakaumbok na malaking yelo ng Yeti pero tumingin na ito kay Hemira. "H-hindi na ba n-nila ako n-nikakainin?" suminghot na tanong nito.
Nakangiti namang tumango si Hemira rito.
"Prinsipe, paano ka napunta sa lugar na ito?" tanong ni Nero.
Napakagat-labi ito at napayuko. "Diwata Nero, nais ko lamang naman na makakita ng mga pixia na nibabasa ko sa aking mga libro ngunit hindi ako hinahayaan nila ama na makalabas kaya nitakas ako upang maghanap niyon."
"Kung ganoon ay kailangan ka na naming ibalik sa inyong palasyo. Siguradong alalang-alala na sa iyo ang iyong ubo Theo at amang hari," sabi ni Nero.
Hindi naman umimik si Zenon at napayuko lang habang lungkot na lungkot.
Tumingin sa 'kin si Nero. "Prinsipe Argyris, ako'y makiki-usap sa inyo. Ibalik n'yo siya kaagad sa palasyo ng ligtas. Ituturo ko sa inyo ang daan papunta roon ngunit hindi ko na kayo masasamahan sa loob ng palasyo."
"Ngunit diwata Nero, bakit hindi ka nisasama sa loob ng palasyo. Batid kong ika'y nais makita ni ubo Theo. Narinig ko sa usapan nila ni ama na nais ka niyang nipakasalan ngunit tutol lamang si ama roon," sabi ni Zenon kaya nangunot ang noo ko at napatingin kay Nero.
Natigilan naman siya at biglang humangin ng malakas na napakalamig.
Napapikit ako sa lamig n'on.
Nang kumalma na ang malamig na hangin at tumingin na ulit ako kay Nero. "Magpapakasal ka, Nero?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
Napayuko naman siya pero ilang saglit ng katahimikan niya, inangat niya na ulit ang tingin niya sa 'kin. "Sasabihin ko iyon ngunit maglakad na tayo papuntang palasyo ng Priam. Baka mayroon pang dumating na mga mostro na umatake sa atin."
*—* * *—*
"Si Theo ay ang panganay na prinsipe ng hari ng Priam. Dalawa lamang sila ni Zenon na magkapatid. Siya'y umiibig sa akin at... at ganoon din ako sa kaniya ngunit tutol ang hari sa aming pag-iibigan sapagkat isa akong diwata at hindi isang tao," sabi ni Nero habang naglalakad kami ngayon papunta sa palasyong sinasabi niya.
Magkausap si Zenon at Hemira na parang may sarili silang mundo pareho.
"Bakit naman hindi kayo pwede? Kumot diwata ka, hindi na agad pwede?" tanong ko sa kanya.
"Iyon ay dahil nasa akin ang responsibilidad sa pagprotekta sa lugar na ito mula sa mga mostro na katulad ng umatake sa atin kanina. Kung ako'y magpapakasal ay hindi ko magagawa nang maayos ang aking responsibilidad at hihina na rin ang aking kapangyarihan kapag nagkaroon na ako ng anak. Maaaring masalakay ang napakaraming lugar dito dahil doon," paliwanag niya.
"Ang hirap naman n'yang problema mo." Napakamot pa ko sa ulo ko kahit na may hood 'yon.
Napayuko siya. "Dating mapayapa ang kahariang ito ngunit nang nasira ang harang sa hilaga na naghihiwalay sa lugar ng mga Yeti at lugar naming mabubuting mga nabubuhay ay nagsimula na ang mga kaguluhan. Pinamumunuan ang mga iyon ng pinakamalaking Yeti sa kanila. Walang makalapit sa kanilang lungga kaya walang makapaslang sa pinunong iyon. Kahit ako na diwata ng yelo ay hindi rin magawang matalo ang lahat ng mga iyon lalo na ang pinunong Yeti sa aking lakas lamang."
"Hah? Eh ang lakas-lakas mo kaya pero wala ka pa ring kaya sa kanila? Ganoon ba talaga sila kalakas lalo na 'yung pinuno ng mga 'yon?" tanong ko sa kaniya na hindi makapaniwala.
Tumango-tango naman siya. "Hindi biro ang kanilang lakas. Ang kaninang Yeting ating nakalaban ay kakaiba na agad ang lakas na ipinamalas at kung marami pa silang magsasama-sama ay paniguradong wala nang makatatalo sa kanila."
Napatingin na lang ako sa nilalakaran naming yelo.
Tama siya sa sinabi niya tungkol sa Yeti kanina.
Isang hampas lang n'on sa pader na yelo niya, nagcrack agad 'yon. Mukhang napakalakas nga na mostro n'on.
Nauna nang maglakad sa amin si Hemira nang may ituro si Zenon sa kaniya na puno na balot ng yelo.
Tuwang-tuwa sila pareho ro'n.
Napangiti ako kasi para silang mag-ina na masayang-masaya sa isa't isa.
"Ngunit prinsipe, bakit kayo naririto ni Hemira sa lugar na ito? Malayo na ito sa Gemuria. At isa pa, paanong naririto siya gayong ang sabi ng lahat ay nawalan na siya ng buhay sa Abellon?" tanong sa 'kin ni Nero habang nakatingin din kina Hemira na masayang nagtitingin sa mga punong yelo nadadaanan nila.
"'Yun ang akala ng lahat pero hindi naman talaga siya patay. Basta... Mahabang kwento kasi maraming nangyari. Nandito rin kami ngayon gawa ng gusto kong ipaalala sa kaniya 'yung mga lugar na pinuntahan namin dati no'ng kinukuha niya pa lang kami. Well, hindi naman talaga rito ang destinasyon namin pero dumaan muna kami kasi mas malapit 'to sa talagang pupuntahan namin," paliwanag ko sa kanya.
"Marami pa akong gustong itanong ngunit hindi ko na lamang sasabihin dahil aking nararamdaman na mayroong hindi tamang nangyari sa kanya. Ang aking hiling ay sana ay maibalik na kung anuman iyon sa tama," sabi niya.
Nakangiting tumango ako sa kaniya kasi naiintindihan niya ako kahit hindi ko pa sinasabi sa kanya.
Tiningnan ulit namin sila Hemira at Zenon.
Nauuna pa rin sila sa amin.
Tumigil si Hemira sa paglalakad at itinataas niya si Zenon sa ere habang hawak niya 'to at umiikot sila.
Tuwang-tuwa naman si Zenon at tawa ng tawa sa ginagawa niya.
Masaya rin ang mga ngiti niya.
Napangiti rin ako dahil do'n.
*—* * *—*
Sa halos kalahating oras ng paglalakad naming tatlo, nakarating na rin kami rito sa palasyo ng Priam.
Ang layo ng narating nitong si Zenon.
Nakita namin ang mga warriors na aligagang-aligagang nagtatakbuhan kung saan-saan na parang may hinahanap sila.
'Yung mga suot nila, mga armors din 'yon pero may makapal na tela 'yon na panlaban sa lamig.
Naglakad kami palapit sa kanila.
"Zenon!" tawag ng isang boses ng lalaki kaya napatingin kami sa tumawag na 'yon kay Zenon.
Isang lalaking sa tingin ko, mas matanda lang sa 'kin ng ilang taon.
Nakasuot siya ng magarang kasuotan na makapal at tumatakbo siya papunta sa amin kasunod ang maraming mga warriors.
"Ubo Theo!" tawag din ni Zenon sa kaniya at agad na yumakap sa kaniya nang makalapit na siya kay Hemira.
Ipinasa naman sa kaniya ni Hemira ang pagkakakarga nito kay Zenon na nagsimula nang umiyak.
"Ubo, mayroong halimaw na muntik nang nikain sa akin kanina! Nikakatakot siya ng sobra at ang pangit ng kaniyang hitsura! Uwaaaaaa!" atungal ni Zenon.
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Theo na alalang-alalang nakatingin sa kapatid niya.
Mayroon nga siyang prince aura.
Napakaputi niya rin na parang hindi nasinagan ng araw kahit isang beses.
Malamang.
Winter ba naman ang palagi nilang panahon eh.
Pero siya pala ang boyfriend ni Nero.
Ang masasabi ko lang...
Uhm...
Mas gwapo pa rin ako.
"Bakit ba kasi ika'y lumalabas ng palasyo, Zenon?! Hindi mo ba batid na lubos kaming mag-aalala sa iyo kapag umalis ka sa ating palasyo ng walang paalam?! Mabuti na lamang at walang nangyari sa iyong masama?! Nais mo bang mahangal kami ni ama sa kalungkutang aming mararamdaman kapag ika'y nawala sa amin?!" sermon niya sa pasaway na bata.
"Uwaaaaaa! Patawad na ubo Theo! Hindi ko na ni-uulitin! Nipapangako ko, hindi na ako lalabas muli ng hindi nipapaalam sa inyo!" sabi nito habang pumapalahaw ng iyak.
Habang puno ng pag-aalala ang mukha niya, napatingin siya sa amin ni Hemira. "Kayo ba ang nagligtas sa aking kapatid?"
"Kami nga pero tinulungan kami ni Nero." Tiningnan ko si Nero sa pwesto niya kanina pero wala na siya ro'n.
"Umalis na siya kanina lamang," sabi ni Hemira habang itinuturo 'yung isang direksyon.
"Si Nero? Ang diwatang si Nero ba ang iyong tinutukoy?" tanong sa 'kin ni Theo.
Tumango naman ako.
Tumingin naman siya sa paligid at parang pilit pa ring hinahanap si Nero.
"Ubo, sabi ni diwata Nero kanina, hindi raw siya magpapakita sa iyo." sumbong naman ni Zenon sa kanya.
Halatang nalungkot naman siya sa narinig niya pero nang tumingin na sa amin, inalis niya kaagad 'yon. "Paumanhin kung hindi man lamang ako nagpasalamat kaagad sa inyo matapos nang pagliligtas n'yo sa aking kapatid. Napakalaking bagay ng ginawa n'yong ito sa aming pamilya pati na rin sa aming kaharian. Tatanawin namin itong napakalaking utang na loob." magalang na sabi niya at yumuko pa sa amin.
"Wala naman kaming ginawa masyado, prinsipe. Si Nero talaga ang pumatay roon sa Yeti na mang-aatake kay Zenon kaya siya dapat ang iyong pasalamatan," sabi ni Hemira sa kanya.
"Ganoon ba? Ngunit kayo ba ay mga kaibigan ni Nero?" tanong niya.
"Ahh... Parang gano'n na nga," sagot ko na lang sa kanya.
"Tama ba ang aking naririnig na inyong pinag-uusapan ang diwatang si Nero?"
Napatingin naman kami sa nagsalitang 'yon na lalaki ang boses.
Isang lalaking nakasuot din ng magara at makapal na damit ang naglalakad na palapit sa 'min kasunod ang marami rin sa mga warriors.
May malaki siyang koronang suot at mukhang nasa 40's pa lang siya pababa.
Mahaba 'yung buhok niya na hanggang balikat at kulot 'yon.
Napatikluhod naman sa kaniya 'yung mga warriors nitong si Theo.
Napayuko rin si Theo sa kaniya at napakayakap naman ng mahigpit si Zenon sa kuya nito.
"Haring Atreus, nahanap na po si prinsipe Zenon," sabi ng isang warrior ni Theo sa haring 'yon.
Hindi nagbago 'yung ekspresyon niya kahit narinig niya na 'yung balitang 'yon.
Nang makalapit siya sa amin, tiningnan niya 'yung isang warrior sa likuran niya. "Kunin n'yo na si Zenon at ibalik siya sa kaniyang silid. Ikulong n'yo siya roon ng isang buong araw bilang parusa sa kaniyang ginawang paglabas sa palasyo ng walang paalam."
Tumango naman 'yon at nilapitan si Theo para kunin si Zenon sa kanya.
Ayaw naman bumitaw ni Zenon sa kaniya at nagsimula na namang umiyak. "Ayoko ko ama! Ayokong makulong sa aking silid! Gusto ko kay ubo Theo at umbo(ate) Hemira lamang!"
"Zenon!" malakas na sigaw ng hari at napapiksi pa ako sa lakas n'on. "Huwag nang matigas ang iyong ulo! Nais mo bang madagdagan pa ang iyong parusa sa pagsaway na naman sa akin?!"
Napatigil naman si Zenon sa pag-iyak at ngumunguy-ngoy na.
Napahakbang si Hemira palapit sa kaniya at bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
Halatang pinipigilan niya lang ang sarili niya na makialam sa nangyayari kay Zenon.
Bumitaw na ito kay Theo at kinarga na ng mandirigma saka naglakad na 'yon paalis.
Tiningnan namin si Zenon na mugto ang mga mata at mapula na ang ilong.
Umiiyak na nakatingin siya sa amin... kay Hemira.
Nang mawala na sila sa paningin namin, tiningnan ko 'yung hari ng may inis. "Bakit naman ganoon n'yo itrato si Zenon? May nagawa nga siyang mali pero bata lang naman siya at hindi alam na mali 'yung ginawa niya. Hindi n'yo naman siya kailangang parusahan ng gano'n."
Biglang humugot ng espada ang mga mandirigma at sabay-sabay na itinutok 'yon sa amin ni Hemira. "Pangahas! Sino ka upang magsalita ng ganyan sa aming hari?! Isa ka lamang estranghero sa lugar na ito!" sigaw sa akin ng mandirigmang mukhang pinuno kasi mas maganda 'yung suot niyang armor kumpara sa iba.
Naghanda naman si Hemira para umatake sa kanila pero pinigilan ko siya sa pagtingin ko sa kanya. Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabi na ako ang bahala.
Kumalma naman siya.
Tiningnan ko na ulit 'yung mga warriors. "Estranghero nga kami pero kami naman ang nagligtas kay Zenon mula sa Yeti kanina." pagmamalaki ko sa kanila.
Itinaas naman ng hari 'yung kamay niya na sign ng stop at doon, ibinaba na n'ong mga warriors 'yung mga sandata nila.
'Yung leader nila, halatang ayaw pa sanang ibaba 'yung espada niya at napipilitan lang na gawin 'yon.
"Kayo ang nagligtas kay Zenon?" tanong sa 'min ng hari.
"Kami nga kaya hindi n'yo dapat kami tinatrato ng ganito." pagdedemand ko. "Hindi n'yo rin dapat ikulong si Zenon kasi bata pa siya—"
"Dahil ba isa lamang siyang bata ay dapat ko nang kunsintihin ang kaniyang mga kamalian?" tanong niya at natigilan naman ako.
"Hindi naman pero hindi dapat—"
"Sinabi mong siya'y mumos pa kaya hindi niya batid na mali ang kaniyang ginawang pagtakas dito sa palasyo. Bilang isang ama ng batang iyon, nais kong malaman niya na kung ano ang tama at mali sa murang edad pa lamang kaya pinarusahan ko siya ng ganoon sa kaniyang maling ginawa upang matuto siya at magtanda dahil kung hindi ko ituturo sa kaniya iyon ngayong bata pa lamang siya, kailan ko ba dapat ituro?" Ang tiim ng tingin niya sa 'kin.
Gusto kong sumagot sa mga sinabi niya pero wala akong masabi.
Lumapit sa kaniya si Hemira kaya napatingin kami sa kanya. "Ngunit marami namang mas tamang paraan upang maipaalam na mali ang kaniyang ginawa. Sa iyong ginagawa ay sinasakal mo na kaagad siya sa mura pa lamang niyang edad. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa kaniya kapag siya ay nagkaedad na? Lalaki ba siya ng tama gaya ng iyong nais? O magiging sunud-sunuran mo lamang dahil sa takot sa iyo at walang desisyong para sa sarili dahil iniisip niya na baka mali sa iyong mga mata ang kaniyang mga gagawin?"
Seryoso naman ang tingin sa kaniya ng hari at hindi siya nagpapatinag sa tingin nito.
Hindi ko inaasahan na masasabi niya lahat 'yon lalo na 'yung tono niya.
'Yun ang tono niya noon kapag may ipinaglalaban siyang tama sa pananaw niya.
Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ulit ang tono niyang 'yon sa tagal ng panahon na hindi ko 'yon narinig.
"Sa aking pagkakarinig kanina, kayo'y mga kaibigan ni diwata Nero. Bakit kayo naririto sa aming kaharian? Dahil ba nagpatulong ang diwatang iyon sa inyo na makumbinsi ako sa pagpayag sa kasalang nais nila ni Theo kapalit ng pagkakaligtas n'yo sa aking bunsong prinsipe?" tanong ng hari at tumingin na rin sa 'kin.
Bigla akong nairita sa bintang niya.
"Hindi gano'ng klase ng diwata si Nero. Mga kaibigan niya nga kami pero nagkataon lang na nagpunta kami sa lugar na 'to. 'Wag kang mag-alala kasi aalis din naman kami agad." masungit na sabi ko at hinawakan ko na si Hemira para maglakad na kami paalis.
"Sabihin ninyo sa inyong kaibigang diwata, hinding-hindi ako papayag sa nais niyang pagpapakasal sa aking anak. Ibang babae ang aking nais sa aking prinsipe at hindi na magbabago iyon," sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad.
Napatigil din si Hemira dahil sa 'kin.
Napigtal agad ang pisi ng pasensya ko at napipikon na naglakad pabalik sa haring 'yon.
Hinarangan naman siya ng mga mandirigma niya dahil sa nakikita nilang aapoy na ako sa inis ko.
"Umalis kayo sa harapan niya, may gusto lang akong sabihin." seryosong-seryosong sabi ko sa mga mandirigmang 'yon.
Mabuti at ginawa naman nila bago pa nila madagdagan ang inis ko.
Hinarap ko ang haring 'yon. "Bakit ayaw mo ba silang hayaan na dalawa eh gusto nilang sila 'yung magpakasal? Kumot prinsipe 'tong si Theo, hindi niya na agad pwedeng pakasalan si Nero na babaeng gusto niya at dapat, sa gusto mong babae siya dapat ipakasal? Bakit hindi ikaw ang magpakasal sa babaeng 'yon? Tutal naman, 'yon ang gusto mo?"
"Ang iyong dila! Masyadong pangahas ang iyong dila!" sigaw niya sa 'kin na nanlalaki ang mga mata.
"Manahimik ka! Hindi pa 'ko tapos!" galit na galit na sigaw ko sa kanya.
Napatameme naman siya at nabigla ang mga mandirigma niya sa ginawa kong pagsigaw sa hari nila.
Pati si Theo, halatang nagulat din.
Huminga muna ako ng malalim sa galit na nararamdaman ko. "Ano bang mali sa pagpapakasal ng prinsipe sa babaeng gusto niya? Bakit kailangan n'yo siyang ipilit sa iba? Bakit hindi siya pwedeng ipakasal sa babaeng heneral ng kaharian nila? Bakit hindi siya pwedeng ipakasal sa diwata o sa kung sinuman na gusto niya? Bakit dinidiktahan n'yo siya kung sinong gusto niyang makasama habangbuhay, hah?! Bakit?!" sigaw ko pa at ang lakas-lakas ng t***k ng puso ko sa nararamdaman ko ngayon.
Halo-halong inis, galit at frustration ang nararamdaman ko sa dibdib ko.
"Dahil ang diwatang iyon ang tagaprotekta ng kahariang ito kaya hindi siya maaaring magpakasal sa kahit na sino!" sigaw rin niya sa 'kin.
Natigilan ako. 'Yun 'yung sinabi ni Nero kanina.
"Kapag siya'y nagpakasal ay hihina ang kaniyang mahika lalo na at makipagsiping. Mapapabayaan niya ang kaniyang responsibilidad ng pagpoprotekta sa kahariang ito bilang diwata at masasalakay panigurado kami ng mga nakawalang mga halimaw dahil sa naging kapabayaan na rin niya noon!"
Nangunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. "Anong ibig mong sabihin?"
"Maraming mga buwan na ang nakalilipas, palagi siyang nawawala rito sa aming kaharian. Napag-alaman namin na ang dahilan ng kaniyang madalas na pagkawala ay dahil mayroong isang maheya na palaging tumatawag sa kaniya upang siya'y patulungin sa pakikipaglaban nito."
"Tumatawag sa kaniyang maheya?" tanong ko.
Paniguradong ako 'yung tinutukoy niyang 'yon.
Kumakalma na 'yung galit ko.
"Isang araw, matagal siyang nawala dahil siya'y tinawag ng maheyang pinag-alayan niya ng kaniyang katapatan at dahil doon ay nagkaroon na ng tsansa ang pinuno ng mga Yeti na masira ang harang ng kanilang lugar sa aming lugar at doon na sila tuluyang nakalabas at nang-aatake na sa maraming mga bayan dito simula niyon. Ang dating mapayapang lugar na ito ay nagkaroon na ng kaguluhan dahil sa kapabayaan ng diwatang iyon!" paninisi niya kay Nero.
Natulala naman ako kasi sa kwento niyang 'yon, ako talaga ang may kasalanan kung bakit napabayaan ni Nero 'tong lugar na 'to gawa ng lagi ko siyang inaasahan na tulungan ako sa mga pakikipaglaban ko.
"Kung ipakakasal ko pa siya sa aking anak at manghina ang kaniyang kapangyarihan ay lalo lamang magkakaroon ng lakas ng loob ang mga Yeti na atakihin ang kahariang ito na hinding-hindi ko hahayaan," sabi pa niya.
Napahilot ako sa sintido ko. "Ako ang may kasalanan at hindi siya." pag-amin ko.
Nangunot 'yung noo nilang lahat.
Tahimik lang si Hemira sa tabi ko.
"Paanong ikaw ang may kasalanan niyon?" tanong sa 'kin ni Theo.
Ibinaba ko na 'yung kamay ko. "Ako ang summoner ni Nero. Ako ang maheyang tumatawag sa kanya."
"Ano?!" hindi nila makapaniwalang tanong lahat.
"Ako kako ang maheyang tumatawag sa kanya." pag-ulit ko kasi ano raw eh.
Wala namang makapagsalita sa kanila sa pagkabigla nila sa sinabi ko.
Nang makapagdesisyon na ako sa naiisip ko, tiningnan ko sila ng determinado. "Kung ibabalik namin ang mga Yeti sa tamang lugar nila at maibalik ang harang para sa kaligtasan n'yo, hahayaan n'yo na ba silang dalawa ng prinsipe na magpakasal?"
Nilapitan ako ng hari at tiningnan ng matiim sa mga mata ko. "Alam mo ba ang mawawala sa iyo bilang Tumatawag sa diwatang iyon kapag ginawa mo iyon?"
Napa-isip naman ako. "May mawawala ba sa 'kin kapag tinulungan ko si Nero na maging masaya sa lalaking mahal niya? Parang wala naman ata."
"Mayroon. Kapag naikasal na siya ay hindi mo na siya maaaring tawagin kapag siya ay kailangan mo sa iyong mga laban. Kaya mo bang tanggapin iyon?" tanong niya.
Natigilan ako saglit sa sinabi niyang 'yon.
Kapag makasal pala si Nero, hindi ko na siya pwedeng i-summon pero kung ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nasisisi sa lugar na 'to, i-le-let go ko na siya bilang summoner niya.
Gusto ko rin na sumaya siya kasama si Theo para naman kahit papaano, mabawasan ang unfairness na nararamdaman sa arrange marriage na pauso ng mundong 'to.
Tumango ako kay haring Atreus. "Kaya kong tanggapin 'yon. Kung gusto n'yo pang dalhin ko rito ang ulo ng pinuno ng mga Yeti bilang patunay na natalo namin sila, gagawin ko."
Nanlaki naman ang mga mata niya na hindi makapaniwala sa sinabi ko pero sumeryoso ulit siya. "Ngunit hindi pa rin maaari sapagkat mawawalan na ng diwata ang kahariang ito." pagmamatigas pa rin niya.
"Ama, sinabi na sa akin ni Nero na kung maikakasal kaming dalawa ay mayroong panibagong mabubuhay na diwata na papalit sa kaniya at siya nang bagong magpoprotekta sa atin kaya hindi na iyon isang problema," sabi ni Theo sa kaniya na may pangungumbinsi.
Napangisi naman ako kasi paniguradong wala na siyang lusot kahit ano pang dahilan niya. "Wala naman akong hinihinging ibang kapalit kundi ang pagpayag mo lang sa pagpapakasal nila Nero at Theo. Hindi naman kami hihingi ng ginto sa inyo o anuman kaya 'wag kang mag-alala."
"Gawin ninyo ang inyong nais! Ikaw maheya! Siguraduhin mo na tototohanin mo ang iyong sinabi na dadalhin mo rito ang ulo ng pinunong Yeti. Kung isang kahambuhan lamang iyon ay papatawan ko kayong dalawa ng iyong kasama ng malupit na parusa sa pambabastos sa akin na hari ng Priam!" sigaw niya sa 'kin ng may pagkapikon sa pagkatalo niya sa diskusyon namin.
Ngumiti lang ako sa kaniya at inakbayan ko si Hemira sa tabi ko. "Kaming bahala ng partner ko. Pagtatadyakan namin mga mukha ng mga 'yon."