Hemira II 45 - Pagsabog Kinabukasan... Nasa silid pulungan si haring Herman at katatapos lamang ng kaniyang pakikipagpulong sa mga opisyal na itinalaga niya sa pangangalaga ng kaharian sa paparating muli na kasal ng kaniyang anak na si Ceres at ng mapapangasawa nitong si prinsipe Argyris. Batid niya na mayroon na namang hindi magandang magaganap bago o sa mismong araw na namang iyon kaya naman mas inihanda niya ang kaharian sa mga pagsalakay ng kalaban. Ngayon ay nakatingin lamang siya sa malayo sa labas ng bintana ng kaniyang silid at malalim ang iniisip. "Mahal na hari, masyado bang bumabagabag sa inyo ang mga maaaring pagsalakay sa ating kaharian o mas iniisip n'yo ngayon ang tungkol sa may hawak ng Yin na si Hemira?" tanong sa kaniya ng kasama niya sa silid niyang iyon na si Suere

