Hemira II 44

3164 Words

Hemira II 44 - Pagtakas ng Gemuria ~Eugene~ Nang makalabas na si Hemira ay kaagad kong isinara ang pinto na hindi naman naglikha ng ingay at kasunod niyon ang pagsinag ng buwan dito sa loob ng silid dahil sa pagbubukas ng kurtina sa malaking bintana ng isang maheya mula sa labas. Tumingin ito sa paligid at nang makita ako ay nanlaki ang mga mata. "May tao rito sa loob!" sabi nito sa mga kasamahan nitong maheya sa labas. Agad na hinarangan ni Kirion sila Yohan at Serafina upang hindi makita ng mga ito ang dalawa. Madilim sa kanilang pwesto kaya hindi sila madaling mapansin. Agad nang nagsipasukan ang marami sa mga maheya. Nasa pito sila at isa sa kanila si Ginoong Sueret. "GAAAAAAAARRRR!" angil ni Kirion sa kanila kaya mga napapitlag sila sa gulat puwera lamang kay Ginoong Sueret.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD