Hemira 36 - Pagmamahal dahil sa Alaala ~Yohan~ Nasa lugar kami ngayon na puro magaganda ang mga bahay na nadadaanan namin. Halatang mga mayayaman ang mga nakatira rito dahil ang gagara ng mga suot ng mga tao sa paligid at parang may pagkasubdivision dito dahil sementado ang sahig. Parang panahon ni Maria Clara ang mga suot nila at ang hihinhin na may mga abaniko pa. Puro mga manlalakbay lang na katulad namin ang mga nadaan dito. "Yohan!" tawag sa akin ni Euphemia na katabi ko lang sa kaliwa ko. Hindi ko siya pinansin at ang tiningnan ko ay si Hemira na nasa kanan ko naman. Sa harapan lang siya nakatingin habang si Euvan naman ang nasa kabila niya. Magkakasabay kami ngayong apat dahil malawak naman 'tong daan at wala ring mga carriage na dumadaan. "Yohan! Uy!" tawag na naman sa aki

