Paglabas ko ng kwarto ko para sana kumain at makapasok, imbis na si Walter at Avvian lang ang datnan ko, sumalubong sa akin ang nakakasilaw na mga mukha ni Cedric na nakaupo sa lamesa. Nakaksilaw means MASAKIT SA MATA!.
"Anong ginagawa mo dito? Kaaga-aga" umupo ako at pinaglapagan ako ni Avvian ng usual na sandwich.
"Napag-usapan na natin 'to kahapon. Ako ang protector mo hanggang sa matapos ang counseling mo"
"Eh asan ang so-called protector ni Avvian?"
"Naghihintay sa labas ng bahay niyo si Zhara" at kulang nalang ay mabilaukan ako.
Haha .. magkasundo kaya ang dalawa? ... dalawang moody? mukhang delubyo.
"Hindi ko kailangan ng protector. Hindi rin kailangan ni Stacey" pag-upo ni Avvian sa tabi ko at nagtitigan ang dalawang loko na kala mo ay nagsasaksakan na silang dalawa.
"Na-exposed kayo sa mga witch. Sa tingin ko kailangan niyo ng protection, Stacey. Hindi rin pwedeng lagi ka nalang aasa kay Avvian" si Walter na kumakampi kay Cedric.
"Patay na 'yung witch na nakakita sa'min" pagsubo ko ng huling part ng tinapay at tumayo na ako, "Hindi ko kailangan ng protector okay?"
Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na kami palabas ni Avvian. At hindi nga nagbibiro ang loko, dahil nakatayo sa gate si Zhara. Hinarap niya kami pero iniwasan ko lang siya ng tingin. Nagdirediretso lang kami sa paglalakad. Walking distance lang naman ang Hanover. Pero kung tamad ka, mas mabuting magbike ka nalang din. Habang naglalakad kami, nakabuntot 'yung dalawa. Hanggang sa pagpasok namin sa gate ng Hanover kaya huminto na ako at hinarap sila.
"Alam ba 'to ng ni Mikael?"
"Hindi kami gagawa ng action na hindi napag-usapan ng buong council" si Zhara na hindi na pinag-isipan ang sasabihin.
Pero seriously, Mikael?
"Stacey!!!" sabay-sabay kaming nalingong apat sa 2nd floor dahil sa sigaw ng isang lalaki, isa sa mga member ng club. "Hinahanap ka ni captain! Pumunta ka sa office!"
Sumenyas lang ako ng okay gamit ang kamay ko, "Excuse ka sa first subject kaya dalian mo na!" hindi siya galit, pasigaw lang talaga dahil nasa second floor siya.
Gamit ang isa ko pang kamay, nag-okay sign ako ulit. Ayaw ko ngang sumigaw.
Pagkalayas niya hinarap ko yung tatlo, "Magkita nalang tayo sa second subject, Avvian"
Napansin ko ang paglingon niya kay Cedric bago siya sumunod sa sinabi ko. Sinundan naman siya ni Zhara na kala mo ay body guard talagang binayaran ng milyon protektahan lang ang amo niya.
Habang naglalakad ako, sinusundan din ako ni Cedric na akala mo ay naggagala sa isang park dahil sa pag-ikot ng mga tingin niya sa paligid.
"Kanino ka natutong manghula?"
Hindi ko siya nilingon. Wala sana akong balak na sagutin ang tanong niya pero ang awkward lang na tahimik kaming naglalakad na dalawa. "Sa lola ko. Bakit may problema ba"
"Nakita mo na may magpapakitang witch sa Kendal kahapon. Bakit hindi mo binanggit sa akin bago ako umalis?"
"As if namang nahulaan kong may magpapakitang witch kahapon sa Kendal. For your information, Mr. Protector, hindi ko mahuhulaan ang isang bagay kung hindi ko hawak ang mga cards ko. Ang mga cards ko ang nagsisilbing salamin para makita ko ang mga posibleng mangyari"
"Posibleng mangyari?"
"Dahil malaki ang tsansa na mabago ang tadhana at mapigilan ang mga bagay na dapat ay mangyayari"
Inikot ko paharap ang sarili ko sa kanya kaya napatigil siya. "Oops. Off limits na ang area na 'to. Kung gusto mo talagang maghintay, good luck sa tindi ng sikat ng araw"
Hindi siya nagsalita kaya malaki ang ngiti ko pagpasok ko ng club office. Pero nawala ang ngiti ko nang may humampas na papel sa ulo ko. Di naman masakit pero nagulat lang ako. "Sa laki ng ngiti mo, mukhang hindi mo pa alam ang balita?"
Inalis ko ang nakapatong na kamay sa ulo ko na may hawak sa mga papel na pinangpukpok sa akin.
"May masamang balita ba, Captain?"
Nagbuntong hininga siya at naglakad paupo sa table kaya sumunod ako at nakigaya narin.
"Inalis ka sa team na lalaban para sa National" paupo palang ako pero natigil 'to dahil sa sinabi ni Captain. "Hanggat hindi mo natatapos ang counseling mo, hindi ka makakasama sa team. Inaalala rin ng mga instructors ang case niyo ni Avvian"
"P-Pero Captain, okay lang ako. Kaya kong lumaban..!"
"Ito na ang desisyon, Stacey" at sa panlalambot ko, napaupo nalang ako.
"Paano ko maitataas ang bandera ng Hanover kung di ako kasama sa laban"
"Second year ka palang naman. May dalawang taon ka pa para maitaas ang bandera ng Hanover" biro niya na alam ko para pagaanin lang ang nararamdaman ko.
"Bakit nga pala hindi mo pinapasok ang protector mo? Paano nalang kung nagkataon na isa akong disguised witch?"
"Sa dami namang gagamiting mukha ng mga bruha, at talagang ikaw pa ang napili?" at natawa siya.
"Haha! Sige na nga. Bumalik ka na sa klase mo. Paniguradong hinihintay ka narin ng protector mo sa labas"
"Hihi, sorry to say, Captain. Excuse ako sa first subject so I will take my free time. Thank you!" nangingiti ko siyang iniwan sa kwarto at paglabas ko, nakaupo si Cedric sa ilalim ng puno na tanging maaaring pagsilungan ngayon.
Nagtama ang tingin namin kaya naglakad na ako palapit sa kanya.
"Babalik ka na ba sa klase mo?"
Umupo ako sa tabi niya, "Definitely not"
Inilapag ko ang mga deck of cards ko sa d**o at nagsimula ang paglalaro ko. Nanatiling tahimik naman ang lalaki sa tabi ko na seryoso akong pinapanuod.
Pagbaliktad ko ng isang card, napabuntong hininga ako. Mukhang imposible talagang makalaban ako this year.
What about next year...
Binaliktad ko pa ang isang card, sa nakita ko, sinunod kong baliktarin ang mga sumunod pang cards. No way, hindi rin ako makakalaban next at next next year??!
"Anong club ang sinalihan mo?" tanong ni Cedric na bumalik sa pagkakasandal sa puno.
"Swimming club"
"Bakit swimming club?"
Tinipon ko ang mga cards ko at binalik sa pouch.
"Ikaw bakit naging hunter ka?"
"Para protektahan ang mundo"
"Hindi dahil pinatay ng mga witch ang mga magulang mo? O kinuha ng mga witch ang mga taong importante sa buhay mo?"
Sa pangalawang pagkakataon nagtama ang tingin namin. Umiling siya at tumingala, sa pagtingala niya, sakto ang ilang rays na nanggagaling sa araw.
"Gusto ko lang ng payapang mundo para sa susunod na henerasyon"
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi siya titigan. Dahil ngayon lang ako naka-encountered ng katulad niya. Dahil ang kadalasang mga nag-aaral sa Magenta, mga ulila at puno ng paghihiganti at galit sa mga witch.
Inalis ko ang tingin ko sa kanya bago niya pa 'ko mapansin. Nilabas ko ang noda crunch ko mula sa bag ko at nagsimulang durugin ito. Dahil sa ingay na nagmumula rito, nakuha ko ang attention niya kaya inunahan ko na siya sa pagsalita.
"Payapang mundo, gusto mong mawala ang existence ng mga witch sa mundo na 'to?"
Hindi siya umiimik kaya nagsalita uli ako, "Sa ngayon sila ang threats sa humanity. Kung mawawala sila, magiging payapa ang mundo"
Bago pa siya makasagot, may nilipad na cola sa kamay niya na sinapo niya. "Tapos na ang free time mo, Stacey. Bumalik ka na sa klase kasama ko"
Si Avvian at nakabuntot parin sa kanya si Zhara.
Kinuha ko ang cola sa kamay ni Cedric, dahil alam ko namang para sa akin 'to at hindi para sa kanya.
"Salamat sa pagsapo" pagkainom ko, tumayo na ako.
"Tungkol sa nabanggit ko sa Kendal kahapon. Hindi ko sinabi 'yon dahil sa witch na magpapakita sa Kendal. Isa kang hunter, anytime or soon, magtatagpo at magtatagpo ang landas na'tin" hinagis ko ang can ng cola sa basurahan, shoot 'to syempre. Stacey ata 'to.
Nakaramdam ako ng masamang tingin mula kay Avvian kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, "K-Kailangan mo kaming protektahan laban sa mga witch kaya magtatagpo at magtatagpo talaga ang landas natin"
Okay na po ba, kaibigan kong overprotective?
Lumingon ako sa langit nang mahagilap sa tingin ko ang isang napakabilis na liwanag na dumaan.
Mikael?
Mabilis namang nakuha ng attention ko ang sabay na paglagay ni Cedric at Zhara ng kamay nila sa kani-kaniyang tenga nila.
"May nangyari ba, Mikael?" simula ni Zhara at mukhang handa lang makinig si Cedric sa usap ng dalawa gamit ang earphone sa taenga niya.
Tinalasan ko ang pandinig ko para pakinggan ang usapan nila, tsimosa 'to eh "Isang sunog na bangkay ng tao ang natagpuan sa Kendal ngayon. May dudang mga witch ang may gawa nito. Nandito na ako sa area. Ako na ang bahala rito, protektahan niyo ang dapat niyong protektahan"
Nagtama ang tingin namin ni Avvian.
Hindi ito ang unang beses na may namatay na inosente sa kamay ng mga witch.
Hindi ko rin sila mapoprotektahan kung nagtatago ako.
Anu na, Stacey. Kailangan magawan mo 'to ng paraan bago pa mas maraming mamatay.
tbc~