CHAPTER 5: Protectors of the Witch

1422 Words
Kalagitnaan ng klase, may dumating na isang estudyante galing sa Magenta. May inabot na papel kay Cedric at Zhara na sa tingin ko, information about sa bangkay na natagpuan sa Kendal. Sinundan ko sila ng tingin pagpasok nila sa napakabusy na classroom. Lumapit ako kay Cedric pagbalik niya sa upuan sa tabi ko pero nanatili siyang nakatingin sa papel na hawak niya kaya nakitingin nalang din ako. May special chair silang dalawa ni Zhara na kala mo ay special na tao talaga. Napatigil ako sa pagbabasa nang maramdaman ko ang mga tingin ni Cedric kaya nilayo ko na ang mukha ko sa papel. "Ahehe" pagngisi ko habang papabalik ako sa maayos na pagkakaupo ko. Inayos niya ang mga papel na pinagpag niya pa sa table para lang mapagpantay-pantay. "May mga cases na hindi naaabot ng Magenta. Sa mga oras na 'to, humihingi na ng tawad si Kuya Mikael sa pamilya ng biktima" Tinitigan ko siya bago ako sumagot, "Hindi niyo kasalanan ang pagkamatay ng biktima. Walang nakakita sa nangyari, kaya wala ni isa sa atin ang dapat sisihin" Hindi siya kumibo kaya nagsalita ulit ako out of curiosity, "Hindi ito ang unang beses na may namatay sa kamay ng mga witch. Ano ang balak ng Magenta?" "Hindi pwedeng lagi nalang kaming naghahabol sa mga witch. Plano ng Magenta na hanapin ang lugar na pinaninirahan ng mga witch" "Ano sa tingin mo, Avvian?" pagbaling ko ng tanong kay Avvian na nakikinig sa discussion ng instructor. "Sa tingin ko kailangan mo ng makinig sa lecture. Kanina ka pa tinitignan, h'wag mo na akong idamay" nanatili siyang nakatingin sa harap na kala mo ay napakamodel student. "Problema rin 'to ng Magenta at hindi ng mga katulad niyo. Magfocus kayo sa harap at hindi sa problema ng Magenta" boses ni Zhara sa likuran ko. "Edi sana hindi niyo dinala dito sa Hanover 'yung problema ng Magenta... " Tumaas naman ang mga balahibo ko nang maramdaman ko na ang matatalim na tingin ni Sir, "Stacey, kung hindi ka titigil sa pakikipagkwentuhan, lumabas ka na" ramdam ko ang kunot ng noo ni Sir kaya dumistansya na ko kay Cedric. Napansin ko ang pag-ikot ng ballpen sa kamay ni Avvian bago nagtama ang tingin namin, "H'wag mong sabihing hindi kita binalaan" Wala na talagang nagmamahal sa'kin. Nakinig na nga lang din ako, nakinig lang pero wala akong maintindihan sa lectures. Buong attention ko nabigay ko kay Cedric na mukhang napakalalim ng iniisip. "Iniisip mo parin ba ang biktima?" paninira ko sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Naglalakad kami nagayon papunta sa lugar na paggaganapan ng counseling. Naghiwalay narin kami nila Avvian at Zhara. Buong tiwala ko nalang ding sinusundan si Cedric. "Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ni Zhara?" "Na ano. Na problema 'yan ng Magenta at hindi ng mga katulad ko?" Tumigil siya sa paglalakad at automatic din akong napatigil at tinitigan ko siya. "Nakasulat ba na unidentified ang biktima?" dahilan para tignan niya na ako sa mata. "Wala ng bago para sa mga katulad ko na hindi hunter. Pero sa tingin ko, para sa mga katulad niyo, nakakapagtaka hindi ba?" Imbis na sagutin niya kaagad ang mga tanong ko, muli niya akong tinalikuran at nagpatuloy siya sa paglalakad niya. "Si Kuya Mikael lang ang nakakaalam ng pagkatao ng mga biktima" Inaasahan ko ang mga sagot niya pero kumilos ako na parang wala akong alam, "Bakit siya lang?" "Victims right. Para na rin sa protection ng pamilya ng mga biktima" "Kung ganuon, si Mikael lang ang sumasapo ng mga hinaing ng mga naiwan ng biktima?" Sa pangalawang pagkakataon huminto siya at hinarap ako, "Nandito na tayo. Pumasok ka na" Tiningala ko ang building bago ko ibalik ang tingin ko kay Cedric, "Ikaw? Hindi ka ba papasok?" Bumukas ang pinto bago pa man siya makapagsalita, "Bakit hindi kayo pumasok?" isang gwapong lalaki ang nakatayo sa pinto hawak ang doorknob at dumaan ang tingin sa akin papunta kay Cedric. "Ang sabi mo magtetext ka bago kayo pumunta?" sabi nito kay Cedric na parang isang kapatid ang pinagsasabihan. "Lobat ang phone ko" "Magkakilala kayo?" pagturo ko pa sa kanilang dalawa. Nagcrossed-arm si Cedric na kulang nalang pati ang dalawang kilay niya ay magcross na rin, "Pinsan ko. Si Theo, siya ang counselor mo" waw, ang swerte ko naman pala. "Pumasok na muna kayong dalawa" may ngiti kaming ginuide ni Theo sa loob. Umabot kami sa 4th floor. Umupo ako sa upuan sa harap ng table habang nakaupo naman sa mala-sofa si Cedric. "Stacey Formosa, right?" "Hm" Napakagalang ko ano. Umupo siya sa upuan sa harap ko hawak ang profile ko. "Nasabihan ako na hindi mo raw gusto na sa Magenta ganapin ang counseling. Pwede ko bang malaman ang dahilan?" How come na hindi ako tinanong ni Cedric about dito pero si Theo tinanong ako. But anyway, as if naman sasabihin ko. "Mr. Theo, kung may importanting bagay ang gusto mong protektahan, saan mo ito itatago?" "Sa pinakaligtas na lugar.." parang alangan niya pang sagot o nagtataka siya dahil imbis na siya ang nagtatanong eh ako na ang nagtatanong sa kanya. "Sinasabi mo bang delikado para sa'yo ang Megenta?" pagsingit agad nitong si Cedric. Mismo! Pero iba ang point ko. Inikot ko ang upuan paharap sa kanya, "Kabaliktaran, Cedric. Kahit ako ang bruha, ang Magenta lang ang naiisip kong lugar para mabigyan ng protection ang mga victims na katulad ko. Kaya kung nag-iisip ka, maiintindihan mo ang gusto kong sabihin" sabay ngisi para pandagdag ng inis. "Kahit na malaman ng mga witch na nasa Magenta ka, mabibigyan ka namin ng protection na kailangan mo. Pero paano nalang kung malaman ng mga witch na pagala-gala ka lang sa labas ng Magenta, paano ka mapoprotektahan?" Ang akala ko nandito ako for counseling, pero korte ata ang napuntahan ko. Ngumiti ako kahit nauubos na ang pasensya ko, "Ano bang role mo? h'wag mo sabihing bumubuntot ka sa'kin kasi trip mo lang?" "Ehem, ehem" pag-awat na ni Theo. "Kailangan mo ba talaga ng counseling.....?" tanong niya sa sarili niya. "Hindi po" pero natawa lang si Theo na akala ay nagbibiro ako. Binalik ko paharap 'yung upuan paharap kay Theo. "Magsimula na tayo" At dito na nga nagsimula ang kalbaryo ko. Pagkatapos ng counseling, nadatnan namin sa labas ng building si Zhara at Avvian. Unang tingin palang sa kanila, ang gloomy na. Akala mo laging pinagsasakluban ng langit at lupa. Sabay-sabay na kaming umuwi. Hinatid lang kami nila Cedric at Zhara bago sila umalis. Dahil sa rotation na magaganap, ibang hunter na ang magbabantay sa amin sa gabi mula sa malayo. "Maaga ka na atang nakatapos, Avvian?" "Minadali ko na dahil natatakot ako na baka gumawa ka ng kalokohan" Matapos niyang ilapag ang pagkain sa lamesa, kumuha naman siya ng baso ng tubig bago umupo sa tabi ko. "Nawawalan ka na ba ng tiwala sa akin?" "Puro ka ata kalokohan, Stacey" sabay naming nilingon si Walter na nagbukas ng pinto. "Welcome back, Walter. Nagluto ng hapunan si Avvian. Sabayan niyo na kami" "Sila Dren?" "Busy dahil sa bagong katawan na natagpuan nila sa Kendal. About kay Bren baka ibang katawan ang pinagkakaabalahan" Natawa naman si Walter dahil sa sinabi ko. "Hayaan mo, pagsasabihan ko ang anak kong iyon kapag nakauwi" "Eh kaso nga, sa iba umuuwi" "Napapag-usapan narin lang natin ang pag-uwi-uwi. Mag-iingat kayong dalawa at mga active ngayon ang mga witch. Hindi katulad dati na napakadalang lang makarinig ng balita tungkol sa kanila" "Triple-tripleng protection na ang meron ako, Walter. H'wag na kayong mag-alala" Naramdaman ko ang maikling pagtitig sa akin ni Walter bago siya nagpatuloy sa paglalakad niya papunta sa kwarto niya, "Sa mundong 'to, kami lang ang makakapagprotekta sa'yo. Kalaban mo ang mga witch, habang kalaban ka naman ng mga tao. H'wag mong kakalimutang kasama mo kami sa pagitan ng dalawang 'to" Sa oras na nasa sitwasyon na ako na alam na ng dalawang parte ang pagkatao ko, ang abandunahin ang pamilyang 'to nalang ang huli at nararapat kong gawin para maprotektahan kayo. Masaya ako kung mamamatay ako na pinoprotektahan kayo. Hindi ko namamalayan na nangingiti ako sa kabila ng lungkot na nasa isip ko. "Nangako ako na poprotektahan kita. Kaya kung kinakailangan na umalis tayo sa mundo na 'to, gagawin ko" mahinahon na sabi ni Avvian kaya napatingin ako sa kanya pero nagsandok pa siya ng ulam papunta sa plato ko. "Paano naman tayo makakaalis sa mundo na 'to? Hindi tayo ganun kayaman para bumili ng spaceship" Dinagdagan niya pa ang pagkain sa plato ko na parang huling hapunan ko nalang 'to, "Kumain ka nalang ng kumain" "Yes ma'am ~" Tbc ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD