CHAPTER 6: Counseling to Hunting

1344 Words
Matapos kong tanggalin ang nakabalot na tuwalya sa buhok ko, ginamit ko naman ang suklay para maayos ito. "May date ka?" nilingon ko si Bren sa pinto na halatang kakauwi lang. Bakit umuwi ka pa? Binalik ko ang tingin ko sa salamin para namnamin ang anghel sa reflection. "Hindi mo ba alam na nag-a-undergo ako ng counseling? Salamat kay Mikael, napakabusy ng bawat araw ko dahil sa kanya" "Counseling? Mga biktima lang ang nag-a-undergo ng counseling. Kailan ka pa naging biktima?" "Kaya sinasabi ko na lumayo ka sa Magenta. Baka sa susunod hindi nalang counseling ang i-a-undergo mo" pagsama sa usap ni Dren na kagigising lang at kaagad binato ang unan na hawak niya kay Bren, "Bakit ngayon ka lang?!" "May naiipon ka ba, Bren? Baka nauubos allowonce mo kakabili ng mga---" pagbato ng unan na hawak niya sa'kin dahilan para magulo nanaman ang buhok ko, "Kailangan mo ba talaga kong batuhin ng unan?! Kung tipunin ko kaya mga babae mo at hayaan kong magsabunutan sa harap mo!" Naghikab siya bago ako sagutin, "Pupunta ka lang ng Magenta pakaayos mo pa!" Ngayon binabalik mo sa'kin? Haha. "Wait, talaga bang pupunta ka ng Magenta?" at mukhang nagising narin sa katotohanan ang loko. "As if!" Kinuha ko na ang bag ko pero kaagad 'tong nahatak ni Bren, "Aalis ka ng hindi kasama si Avvian?" Yes, babaero man tong kapatid ko. Ako paren ang priority nito. "Si Cedric ang kasama ko" Hinatak ko pabalik ang bag ko pero bago ko pa mahatak pabalik sa'kin, hinatak niya ako ulit, "Cedric... Cedric Logan? Siya ang protector mo?!" Buong pwersa ko ng hinatak ang bag ko, hindi naman 'to mahal kaya kayang palitan ni Bren, "Kay Mikael ka magreklamo. Aalis na ako" Iniwan ko na ang kambal. At paglabas ko siyang pagdating ni Cedric. "Hindi ba kayo nagkita ng kapatid ko?" "Kapatid?" pagdapo pa ng tingin niya sa bahay. "Hm, ni Bren" Nagsimula na kaming maglakad habang nag-iisip siya. "Stacey Formosa... Bren Saviano. Magkaiba ang surname niyo" "Ah, magkaiba ang parents namin. Hindi ka ba napupunta sa bahay ng kaklase mo at parang wala ka talagang alam" "Nagkakasabay lang kami sa pag-uwi pero naghihiwalay din ang ruta namin" "Aah~" Tahimik nalang kaming naglakad, pero sarado pa ang office ni Theo pagdating namin. "Nasan ka?" nilingon ko si Cedric na mukhang kausap sa phone si Theo. "Bilisan mo, hintayin ka namin sa malapit na coffee shop" at walang pagdadalawang isip niyang ibinaba ang tawag. "Anung sabi niya?" "Nalate ng gising dahil sa research report na kailangan niyang ipasa. Tara, sa coffee shop" "Game, basta sagot mo" at nilingon niya ako habang halos magkauntugan na ang dalawang kilay niya, "Fine, uuwi nalang ako" Pagtalikod ko nagulat ako nang hilahin niya ang bag ko dahilan para mapaharap ako sa kanya, "Ano bang naging kasalanan ng bag ko at parang ngayon na ang huling araw niya?" "Okay na sa'yo ang kape, hindi ba?" medyo may babala ang tono niya. Kaya pinatulan ko siya, "Sabayan mo na ng isang chocolate cake" Ngisi lang ang nadugtong ko bago ako nakatanggap ng buntong hininga. Pagpasok namin sa malapit na coffee shop, umorder na siya kaagad then nagbayad. Mukhang magkakaroon ako ng walking wallet ngayon. Wahahaha! Pagtingin ko sa kanya habang hinihintay namin ang order namin sa counter, ngayon ko lang napansin na hindi siya nakauniform at nakasimpleng black shirt and pants lang siya with black shoes. Pero nakadagdag ng appeal niya ang isang kwintas sa leeg niya. "Sa tingin mo parang pinag-aaralan mo na ang buong pagkatao ko" hindi siya nakatingin sa'kin kaya paniguradong naramdaman niya lang 'to. "Bakit, natatakot ka bang malaman ko ang buong pagkatao mo?" Pinatulan niya naman ang mapang-inis kong ngiti, "Baka magulat ka sa makita mo. Mag-iingat ka" Haha, hindi ikaw si Bren para katakutan ko. "Ah, matanong ko lang. After ba ng counseling namin, mawawala na kayo sa landas namin?" "Kahit ayaw mo man, kailangan na namin kayong iwan" "Kung ganuon, wala bang mas mabilis na paraan para matapos kaagad ang counseling namin ni Avvian?" Inalis niya ang tingin sa'kin at inabot ang coffee na nilapag ng waiter, kaagad niya 'tong tinikman, matapos nito ay bumalik ang tingin niya sa'kin at mas naging maloko ang ngiti niya, "Ang malas mo at sa pinakabising counselor ka napunta" Kunwaring natawa ako, "Woah, bakit hindi mo nalang aminin na gusto mo ako ang makasama ng matagal?" akala mo hindi kita papatulan? Hah, utot mo. Pero sa isang iglap, naging seryoso ang mga tingin niya. Tumigil din ang kamay niyang may hawak sa tasa. Seryoso ang tingin niya sa labas na sinundan ko na rin ng tingin habang pinapakinggan ang boses mula sa earphone sa taenga niya. Matapos nito, walang pag-aalinlangan niyang inilapag ang tasang hawak niya at binalik sa akin ang mga tingin niya, "Babalik din ako kaagad" Hindi na niya ako hinintay na makapag-react at kaagad siyang tumakbo palabas. Naiwan akong nagtataka kasama ang mga waiter na nasa kabilang counter. Nginitian ko lang sila na parang tnga. "Hehe, kaibigan ko. Medyo may kaluwagan na 'yung turnilyo" Inusog ko ang tasa at ang platito sa tabi ko, "Regalo ko. Bahala na kayong maghati-hati. Bye bye!" sabay karipas ng takbo palabas ng coffee shop. Mukhang di muna ako makakapunta sa shop na 'to. Hay. Sa ngayon kailangan ko munang hanapin si Cedric. Walang dudang about 'to sa mga bruha. Inilatag ko ang baraha ko at sinubukan kong hulaan si Cedric para malaman ko ang mga posibilidad na mangyari. Sinasabi ng baraha ko na may makakalaban si Cedric na isang bruha. Dahil sa vision na 'to, nakita ko ang pangyayarihan ng event. Pagtayo ko lahat na ng shortcut nadaanan ko na. Pero ang layo talaga. Sa pagtakbo ko biglang nagring ang phone ko. Hindi ako tumigil sa pagtakbo pero sinagot ko 'to, "H'wag kang magpadalos-dalos, Stacey. Papunta rin si Zhara sa area" "Hm" simpleng sagot ko kay Avviana bago ko ibaba ang tawag. Pagkadating ko sa lugar, wala ng civilian ang nasa area na kaagad nasecure ni Cedric. Woah, iba talaga pag sineryoso na niya. Hindi kalayuan nakakarinig ako ng mga mahihinang pagsabog dahil sa mga nagtatamang qi o ang energy. Papatagal ng papatagal papalakas ng palalakas ang ingay dahil papalapit ito ng papalapit. Hanggang sa bigla nalang silang dumaan sa harap ko. Nagdapo pa ang tingin namin ni Cedric na napaatras. Ngumiti ako na parang walang nangyayari sa paligid. "B-Bakit nandito ka?!" at sinusubukan niyang iwasan ang mga ataki ng bruha. "Bawal ba 'ko dito? Nabili mo?" Hindi ko siya mabiro dahil sa busy siya sa kalaban niya. Kung alam ko lang sana binitbit ko na 'yung slice ng cake. Pero walang halong biro, naiiwasan ni Cedric ang mga ataki ng bruha at nakakaataki rin siya. At mararamdaman mo sa pagbigkas niya ng mga spell ang lakas ng bawat ataki niya. Inalis ko na ang tingin ko sa kanilang dalawa. Okay, okay, okay, it's about time para magpakita na siya. Ang servant ng bruha. Hindi kalayuan mula sa likod ni Cedric, lumitaw ang isang bruha hawak ang wand niya, "Hex..." sa sobrang hina nito kahit kaunti lang ang agwat nila ni Cedric, hindi niya 'to mararamdaman. Dahil isa 'tong hex magic, visible ito pero wala itong presence. Kahit maglililipad ito sa paligid, hindi 'to mararamdaman. Okay, oras na para maging Prinsipe ni Princess Cedric. Pero may isang bagay akong napagtanto, paano ko siya ililigtas sa isang hex magic na hindi gumagamit ng energy?! Medyo nataranta ako dahil hindi ko pwedeng ipakita ang wand ko at mas lalo ang ability ko as a witch! Isa nalang ang naiisip kong paraan. Kaagad kong hinubad ang bag ko at walang pag-aalinlangan itong hinagis sa direction na tatamaan ng hex magic. Tumama ang hex magic sa bag ko na bumagsak sa lapag dahilan para maalert narin si Cedric sa presensya ng servant. Hindi maalis ang tingin ko sa bag ko. Puso ang target niya sa hex magic. Isang hex magic na magpapahina ng puso ng tatamaan nito. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang malalim na pagbuntong hininga ko, huhu, buti nalang walang puso ang bag ko. Tbc ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD