CHAPTER 7: Difference between the two

1279 Words
"Para ipaalala ko, wala akong balak na palitan ang bag mo" at nagpatuloy si Cedric sa pakikipaglaban niya sa isang noble na bruha. Ikinabigla ko ang pagkasira ng napakaraming tubo ng tubig sa paligid. Malinis naman 'to pero nakalimutan niya atang di ako waterproof. Pagkalaya ng mga tubig sa mga tubo, nagi itong yelo na nagsimulang humabol sa mga bruha. Pinanuod ko lang sila dahil napakalakas ng control ni Cedric sa qi. Ang lalakas din ng mga spell na sinasabi niya. Una niyang napatumba ang servant ng bruha habang patuloy niyang hinahabol ang noble. Mabigat narin na kalaban ang isang noble para sa isang hunter. Halos napapantayan nito ang mga ataki ni Cedric. Sa paghahabulan nilang dalawa, may isang napakainit na bagay ang bigla nalang dumaan sa harap ko paataki sa bruha. Sa init nito pakiramdam ko gusto naring patuyuin nito ang basang katawan ko. At sa bilis nito, hindi ito napansin kaagad ng bruha dagdag narin na hindi siya binibigyan ng pagkakataon ni Cedric. Hindi nasurprise si Cedric nang makita niya si Zhara, halatang inaasahan nito ang pagdating niya. Hindi maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa na mababang nakatingin sa bruha na napaupo na sa sahig dahil sa napakalaki nitong sugat sa dibdib. Ito ang mga taong tatapos ng buhay ko sa oras na malaman nila ang sikreto ko. "Papunta na ang ilang hunter para dalhin siya sa Magenta. Si Mikael na ang bahala pagkatapos" - Zhara. "HAHA! Magenta? Kahit na anong p**********p ang gawin niyo sa'kin, wala kayong makukuhang impormasyon sa akin!" abay loyal na aso nga. Naramdaman ko ang mga tingin ng bruha sa akin. Sa pagtagpo ng tingin namin, ramdam ko na kaagad ang galit sa mga mata niya. Handa ng magbitaw ng salita ang mga labi niya nang bigla nalang siyang tuluyang tumumba. Nilingon ko ang paligid at sinundan ng tingin ang isang anino na mabilis na naglaho. Assassination Needle. Mabilis na naalerto si Cedric pero kahit na anong ikot ng tingin nila, wala na silang makita. "Naunahan tayo" puno ng disappointment ang mga tingin ni Zhara na mabilis na unang sinunog ang bangkay ng servant. Paglapit niya sa katawan ng noble na bruha, hinawakan nito ang dibdib nito. "quemar" at nasunog na ang buong katawan nito hanggang sa naging abo. Naramdaman ko ang presenya ni Avvian sa tabi ko pero hindi ko na siya nilingon. "Mga tauhan ni Evangielin" sapat na lakas para kaming dalawa lang ang makarinig. Anong ginagawa ng mga tauhan ni Evangielin dito sa mundo ng mga mortal. Hinagis ni Cedric ang bag ko paabot sa akin. "Salamat" Kusang kumunot ang nuo ko, "You're welcome daw sabi ng bag ko" "Ms. Zhara" pagdating ng tatlong hunter sa area. "Katulad ng nakikita niyo, wala kaming buhay na witch na madadala sa Magenta. Ako na ang bahala sa report" tumango ang mga hunter na parang kagalang-galang itong si Zhara, habang si Zhara naman, kinuha ang Assassination Needle na nahiwalay na sa abo ng mga bruha "Matapos niyong malinis ang lugar na 'to, dalhin niyo 'to kay Mikael. Naghihintay na siya sa Magenta" Mukhang wala ka na talagang balak umuwi, Mikael. Magenta na ba ang bahay mo ngayon. Nabigla naman ako sa mainit na bagay na parang bumalot sa katawan ko. Pagkawala ng init, napansin ko na tuyo na ang mga suot ko. Nilingon ko lang si Zhara. "Nasa office na daw si Theo. Babalik na kami. Magkita nalang tayo sa Magenta" sinundan ko lang ng tingin si Cedric bago ko rin siya binalak na sundan. Sinenyasan ko nalang si Avvian na kontakin niya nalang ako kung sakali. "Anong balak niyo kung sakaling makahuli kayo ng witch?" out of curiosity kong tanong dahil syempre gusto ko rin malaman kung anong mga posibleng mangyari sa'kin. "Interrogation" tipid niyang sagot kahit hindi man lang ako nililingon. "Kung hindi sumagot?" "t*****e" "Anong klaseng t*****e?" "Bawasan ang daliri hanggang sa hindi na 'to makahawak ng wand" "Waa, ang gaan naman pala. Kayang-kayang ibalik ng Hex Magic ang daliri ng mga bruha" "Pero hindi manhid ang mga witch. Parte ng instinct nila ang takot na mamatay at masaktan, dahil hindi sila mga immortal" tinitigan ko ang likod niya dahil sa sinabi niya. Okay, nakapagdesisyon na ako. Didistansya muna ako sa Magenta!!! Nag-aabang sa may pinto si Theo pagdating namin. May inilapag naman siyang pamilyar na chocolate cake sa table ko. "Pinunatahan ko kayo sa coffee shop pero wala na kayo. Hindi raw mapaghati-hati ng mga staff ang chocolate cake kaya pinauwi nalang sa akin" siguro dahil isang slice lang 'to. Hmp, masyadong minaliit ang isang slice. "Kumain ka muna bago tayo magsimula" sinunod ko na nga lang siya. Masyado ng maraming nagugutom sa mundo, ayaw ko ng dumagdag. Tinuon niya ang attention niya kay Cedric na kala mo pinagsakluban ng langit at lupa, "Natakasan nanaman ba kayo ng mga witch at ganyan nalang ang mukha mo?" "Hindi lang kami natakasan. Naunahan din kami" "Naunahan saan?" "Bago pa namin madala sa Magenta ang witch na nahuli namin. May isa pang witch na pumatay sa nahuli namin" "Hindi niyo nahuli?" simpleng umiling ang ulo ni Cedric bilang sagot. "Hindi rin nadetect ang witch kaya hindi namin napaghandaan ang pag-ataki niya" "Sa tingin niyo bakit hindi nadetect ng Magenta ang bruha?", pagsingit ko na hindi nila inaasahan. "Posibleng dahil isa itong half-witch o kaya kahit 1/4 eh may dugo itong witch", Cedric. "Gawa ng scouters ang mga puno sa paligid. Bawat ugat ng mga puno, nagiging sakop ng territory nila. Sa ganitong paraan, nadedetect nila kaagad kung may bruha na tatapak sa territory nila, so ano pang purpose nila kung hindi nila madetect ang lahat ng bruha?" "Hindi ko maitatanggi na may pagkukulang ang Magenta. Pero hindi rin ganuon kadali ang trabaho ng mga Scouter" Tinuro ni Theo ng may ngiti ang dibdib nito, "Iba ang heartbeat ng mga witch kaysa sa normal na tao. Hindi lang ang mga witch ang tumatapak sa teritoryo na ginawa ng Magenta, hindi lang ang heartbeat ng mga witch ang naririnig ng mga Scouter maging ang heartbeat din ng mga mortal. Sa ilang segundo, kailangan nilang madiffirentiate ang dalawa" Hinintay ko na may idugtong pa siya pero naunahan ulit si Theo ni Cedric, "Classified information na ang gusto mong pasukin. Ingat ka, baka hindi ka makalabas ng buo" Haha, sana nga matapos ko 'tong counseling ko na buo pa katawan ko. THIRD PERSON'S POV Sa pagsapit ng gabi. Nagtungo si Mikael sa isang gusali. Binuksan niya ang mga pinto na mistulang siya ang nagmamay-ari nito. Matapos ng ilang minutong paglalakad, huminto siya sa tapat ng isang kwarto. Hindi kalayuan, sa kabilang dulo ng mahabang lamesa, may isang taong nababalot ng dilim. Hindi maaninag ang mukha nito dahil sa dilim sa paligid. Hindi ito inalintana ni Mikael at lumapit siya sa mahabang lamesa. Mula sa bulsa ng polo niya, inalapag niya sa lamesa ang may kanipisang pulang karayom. "Hindi ka nag-iingat. Paano kung madetect ng mga mortal ang finger print mo sa Assassination Needle? Nasa anyo ka ng isang mortal, madaling makaiwan ng ebidensya ang katawan ng mga mortal" Nilipad papunta sa palad ng taong nasa dilim ang mga karayom. Umupo naman sa lamesa si Mikael at may isang matandaang lalaki ang naglapag ng wine glass na may lamang red wine. Naglaro sa mga palad ni Mikael ang wine glass bago nito ibalik ang tingin sa dulo ng lamesa. "Mag-iingat kayo" tinulad ni Mikael sa isang tubig ang red wine na mabilis niyang naubos. "Hindi ko gusto na ako mismo ang tatapos ng buhay niyo" Pagkalapat nito ng baso sa lamesa, tumayo siya at handang iwan ang lugar kahit na walang natatanggap na sa sagot o kahit na maikling salita sa taong pinunta niya. Tbc~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD