"Hindi mo na ko kailangang bantayan bukas. Ganun na rin kay Avvian. Pakisabi nalang kay Zhara"
"Dahil?"
"Hindi ba nabanggit sa'yo ng kambal na nagbigay narin sila ng notice para sa pag-absent nila bukas? May importanteng business kaming aayusin, kaya ang kambal ang magsisilbing body guard namin ni Avvian habang hindi namin naaayos 'yung important business na 'yon"
"Pero nagbigay din ng notice sa amin si Kuya Mikael para sa pag-absent niya bukas"
"Mukhang kaming dalawa ni Zhara ang maiiwan para sa council bukas. Sapat din naman ang lakas ng kambal para maprotektahan kayo" pagpapatuloy niya sa panandaliang pagputol niya sa salita niya.
"Waw. Malakas pala ang makalokohan kong kapatid"
"Makalokohan sila pero kahit sinong hunter, nagiging seryoso sa oras na may makaharap na witch"
Huminto ako saglit sa paglalakad at kumaliwa ako, "Nauuhaw ako. Bili muna tayo ng soda"
Sa isang sulok sa tabi ng isang bench, may isang vendor machine. Pinanuod lang ako ni Cedric habang pumipindot at hinagis ko sa kanya 'yung isang bote.
"Hindi ba dapat ikaw ang nanlilibre? Napakagentleman mo talaga" at nginitian lang ako ng loko kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Bakit hindi ka naging isang hunter kung hunter ang dalawang nakababatang kapatid mo?" dahil sa sinabi niya, nasamid ako like what, sinong gustong magsuicide?!
"Ayaw ko pang mamatay" pakunwaring biro ko kahit totoo namaaaaaan.
Tinapat ko paamba sa mukha niya 'yung soda, "Hindi ako takot mamatay ah. Sadyang ayaw ko pang mamatay"
Dahil sa oras na matapak ako sa loob ng Magenta, katapusan ko na. Para akong sumugod sa pugad ng kalaban ng walang dalang armas.
Napatingin ako sa mga daliri ko, sampo parin naman sila ngayon.
"Bilisan na natin. Paniguradong naghihintay na rin si Theo"
Pero pagdating namin hinarang kami ng assistant ni Theo, "Hindi ba kayo nasabihan ni Mr. Herez na nasa research facility siya ngayon?"
Hinapagan niya kami ng mainit na kape para sa napakalamig na kwarto dahil sa aircon.
"Anong oras ang balik niya?"
"Mga 8 pm" lumingon ako sa wall clock, mag-a-alasais palang.
"Ngayon naka-scheduled ang counseling ni Stacey kaya bakit tumuloy parin siya?"
"Nagka-emergency sa laboratory dahil nawala ang assassination needle na pumatay sa dalawang witch. Iniimbistigahan ngayon ang insidente" pansin ko ang pagkabigla ni Cedric pero hindi 'yung shock na as in shock na kala mo nanalo siya sa loto, kalmado lang siya na medyo shock nung una. Gets?
"Nawawala ang assassination needle?"
"Hm. Nawala ito bago pa man maimbistigahan. Isa sa mga research leader si Mr. Herez kaya hindi siya makakaalis ng basta-basta sa research facility"
Tinitigan ko si Cedric na paniguradong nagtataka na kung saan napunta ang assassination needle. "Gusto mo rin bang pumunta sa facility?"
Dahil sa tanong ko napalingon silang dalawa, "Isa ka sa mga naka-encountered ng owner ng assassination needle. Kaya may karapatan ka"
Tumayo siya bigla, "Tara Stacey. Sa research facility"
Sumenyas ako gamit ang kamay ko, "No, no, no, no. Hindi ko sinabing kasama ako"
Gusto lang naman kitang itaboy para makauwi na ako!!!
"Isa ka rin sa mga naka-encountered. Baka may mapansin ka" Haha, nagpapatawa ka ba. Kahit may mapansin ako, wala akong sasabihin!
Sumakay na kami ng bus dahil medyo may kalayuan 'to. Pagdating namin sa area, hindi lang mga hunter ang nandito kung hindi maging ang mga pulis. Mga pulis na kala mo may magagawa kapag witch ang naging suspect. Well, meron din namang ilang police officers na graduate sa Magenta.
"Cedric? Stacey?" sinalubong namin si Theo na mas haggard pa sa haggard. "Anong ginagawa niyo dito?"
"May lead na ba sa investigation?"
"Wala pa. Nandito narin si Mikael para tumulong sa pagmamanage ng investigation"
Si Mikael?
"Bakit dinala mo rito ang isang victim, Cedric?" speaking of the devil.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, and waw lang. Mukhang namamanage mo ng husto ang case na 'to?
"Siya ang kasama namin ni Ate Zhara nang makalaban namin ang witch. Sinama ko na rin siya just in case"
Dumapo pa ang tingin sa'kin ni Mikael kaya automatic na akong napaiwas ng tingin sa kanya.
Hinagis niya ang dalawang disposable white gloves, "Mag-ingat kayo sa mga hahawakan niyo at baka maging suspect kayo ng wala sa oras" at tinalukuran niya na kami.
Pagkasuot namin ng gloves, nagsilbing guide namin si Theo sa loob. Ang daming room sa loob, mga laboratory. At sa tingin ko, lahat ng mga files na nandito, about sa mga bruha.
Napatingala ako, ang daming cctv pero nakalusot ka parin? Haha.
"Pansin ko lang na wala akong nakikitang katawan ng mga witch. Bakit hindi niyo pinag-aaralan ang mga bangkay ng mga namamatay na witch?"
"Tapos na" - Cedric.
"Tapos na ang alin?"
"Tapos na pag-aralan ng Magenta ang katawan ng mga witch"
Tatanong ko palang kung paano niya 'to nasabi nang dugtungan ito ni Theo, "Wala na kaming nakukuhang information about sa mga normal at noble witch. Same results nalang ang lagi naming nakukuha sa kanila"
"How about ang mga royal witch?" napatigil sila dahil sa tanong ko pero nagpatuloy din sila kaagad. "Kaya namin hindi pinapatay ang mga witch para makakuha kami ng information about sa namumuno sa kanila. Actually, wala pa kaming information about sa mga royal witch"
"Hindi pa kayo nakaka-encounter?"
"Hindi" - Cedric.
Hindi na nakakapagtaka. Dahil hindi lumalabas ng lungga nila ang mga royal witch.
"Gusto niyo ba ng information about sa mga royal witch?" at nanlaki ang mga mata ni Theo habang sumingkit naman ang mata ni Cedric dahil sa pagkunot ng nuo nito, "Information? Paano ka makakakuha ng information na hindi makuha ng Magenta?" - Cedric.
Isa akong witch, loko.
"Sabi ng cards ko. Nasagot ko na ba tanong mo?"
"Cards mo?" - Theo.
"Yap. Nanghuhula ako with 100% accuracy"
"Anong sabi ng baraha mo?" - Cedric.
"Tuwing nagaganap ang Blue Moon, tinitipon ng mga royal ang mga witch. Nagtitipon sila para sa pagsasalo na pinapangunahan ng mga royal witch"
Lumingon naman si Cedric sa papalubog na araw na makikita sa bintana, "Hindi ba't ngayon magaganap ang blue moon?"
"Sa tuwing magaganap ang Blue Moon, ligtas ang mga mortal" nilingon namin si Mikael sa likod ni Theo.
Nagtanggal narin siya ng gloves na kaagad niyang tinapon sa basurahan na nasa tabi niya.
"Ako na ang maghahatid kay Stacey. Mabuti pang magpahinga ka na rin muna, Cedric"
W-wait, what?! Tama ba 'ko ng pagkakarinig? Bibitayin na ba ako?
"Tapos na ba ang investigation, Kuya Mikael?"
"Walang makuhang lead ang mga investigator kaya walang matatapos. In 30 minutes isasarado na ang case"
Gusto kitang palakpakan pero di ko magawa!
Nilingon niya uli ako kaya naman nagtago na ako kaagad sa likod ni Cedric na parang bata. "Mas preferred ko ang katulad ni Cedric. Hehe. Siya nalang maghahatid na akin. Wala na akong reklamo"
Tinitigan niya muna ako bago siya nagsimulang maglakad palayo, "Iuwi mo na siya, Cedric. Bago ko pa siya kaladkalarin palabas ng facility"
Pagkawala niya sa vision namin para akong nawalan ng tinik sa lalamunan.
"Mauna na rin tayo" at nagpaalam na rin kami kay Theo.
Tahimik lang ang naging biyahe namin ni Cedric. Paniguradong hindi maalis sa isip niya ang sinabi ko.
"Iniisip mo ba na kung alam niyo lang ang lungga ng mga witch, sana naghahanda na kayo para umataki ngayon?" nagtama ang tingin namin.
"Malaking opportunity 'yon para sa Magenta"
"Ganun din sa mga bruha" mukhang nagets niya naman ang pinupunto ko pero nagpatuloy ako, "Hindi na sila kailangang maghirap para maubos ang mga hunter"
"Sinasabi rin ba ng mga baraha mo na matatalo ang Magenta?"
Umiling ako, "Iba ang mga royal witch, Cedric. Hindi sila lumalabas hindi dahil takot sila sa mga hunter, hindi sila lumalabas dahil wala silang excitement na makukuha mula sa laban sa mga hunter"
Masyadong malakas ang royal witches para sa Magenta.
"Anastacia...." napatigil ako sa paglalakad pero patuloy lang siya.
Nilingon ko siya ng may pagkabigla, "A-anong tinawag mo sa akin?"
Huminto siya. Puno ng pagtataka ang mga tingin niya dahilan para marealised ko ang mga nangyayari.
Hindi siya ang tumatawag sa akin.
Napatingin ako sa madilim na kalangitan, Hindi pa tumataas ang buwan, nagsisimula na kayo kaagad?
Tbc…