Kabanata 11 Mabilis itong tumalikod at ganoon din ako. "What are you doing here?" matigas na tanong nito sabay pasok sa kanyang walk-in closet na katapat ng sa akin. Nataranta ako at kinuha na lang ang pantalon na nasa aking harapan. "Na-Nagbibihis ako..." naiilang kong sagot habang sinusuot ang kulay itim na pantalon. "Tsk! Don't tell me you really attend on Thanksgiving?" anas na tanong nito. Sumilip ako sa kanya na naghahanap ng kanyang masusuot habang inaalis ang polo niya. Bumalik ako sa tapat ng mga damit ko at kinuha ang pormal na button-down polo na kulay puti. "Na-Nahihiya akong tumanggi kay Lolo." Nagulat ako dahil malakas nitong sinara ang kabinet nito at lumikha ng ingay. "Is that your reason too that’s why you accept this marriage?" matabang nitong tanong. Napakagat a

