Kabanata 12 Nagising ako sa halik ng araw sa aking mukha. Niyakap ko ang malambot na unan sa aking tabi at naamoy ang pamilyar na pabango nito. Ngayon lang ulit ako nakahiga sa malambot na kama dahil limitado lang ang galaw ko sa sofa. Marahan kong binuka ang aking mga mata noong mapagtanto na sa kama nito ako natulog dahil sa sofa na ito nakatulog kagabi. Sumalubong sa akin ang liwanag na nanggagaling sa nakabukas na balcony nito. Ipinikit ko muli ang aking mga mata noong marinig ang pagbukas ng pinto ng kuwarto. Habol ko ang hininga ko nang marinig ang yapak nito sa loob ng kuwarto. Hindi ako gumagalaw para hindi nito alam na gising na ako. Bakit parang... ang aga niya yata nagising ngayon? O, late lang talaga ako nagising? Anong oras na ba? Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan u

