Kabanata 13 Maaga akong nagising dahil ngayon na ang interview ko. Ang niluto kong almusal ay binaon ko para sa lunch mamaya para makatipid naman ako. "Go-Good morning," gulat na wika ko noong nakita ito na pumasok sa kusina at nakaayos na. Napansin ko ang pagsulyap nito sa damit na suot ko. Nakasuot ako ng kulay abong blazer at puting sleeveless sa loob habang naka-tack-in naman ito sa kulay itim na slacks na suot ko. Wala itong salitang binuksan ang ref at kinuha ang pitsel na may lamang tubig. Ibinalik ko ang tingin ko sa baon na inaayos ko at hindi na naghintay pa ng sagot nito. Sumulyap muli ako sa kanya na umiinom na nang tubig. Kinuha ko ang isang lunch box na hinanda ko at inabot ito sa kanya. Binaba nito ang basong hawak niya at kuryosong tumingin sa akin. "Pi-Pinaghanda ki

