Kabanata 14 Nakababa na kami ng basement pero hindi naman nito sinasabi kung saan kami pupunta. Ramdam ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom. Gusto ko sanang magtanong kaso nahihiya naman ako. Huminto kami sa tapat ng isang itim na kotse at pumasok ito sa driver's seat. Naiwan naman akong nakatayo sa tapat nito dahil hindi ko alam kung sasakay ba ako sa kanya o magco-convoy kami. "Until when do you plan to stand there?" anas nito sabay baba sa bintana niya. Umawang ang labi ko at nagmadaling tumungo sa pinto ng passenger seat nito. Sobrang tinted ng kotse niya kaya hindi ko makita kung nakatingin ba ito sa akin. Maingat ko itong binuksan at dahan-dahan na umupo. Ito kasi ang unang beses kong sasakay sa kotse niya. Kinakabahan kong inilagay ang seatbelt at pinaandar na n

