Kabanata 7

2087 Words

Kabanata 7 Ngayong araw ang dating nila Tita Imelda at Tito Edgardo. Hindi magkandaugaga sa paglilinis sina Tita Eva habang hindi naman nila ako pinayagan na tumulong sa kanila. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Sumalubong sa akin ang matapang na amoy ng air freshener na para bang inubos lahat 'to. Kinusot ko ang ilong ko at nagpatuloy sa aking pagbaba. Naabutan ko sa sala sina Tita at Veron na nakasuot ng magagarang bestida at nakapustura pa ang mga ito. Tumayo si Tita Eva nang makita ako at bumaba ang tingin nito sa suot kong kulay puting t-shirt na naka tack-in sa aking fit na maong jeans. Ngumiwi ito at bumalik ang tingin sa akin. "Veron?" "Ma?" Sinundan ni Veron ang tingin ng mama niya at huminto ang tingin sa akin. Umawang din ang labi nito at mabilis na tumayo. "Oh my

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD