Kabanata 8 Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Nasa harapan ako ng malaking salamin habang pinagmamasdan ko ang aking sarili na may suot na wedding gown. Hindi ko inakala na muli akong magsusuot ng ganito para sa ikalawang kasal naming dalawa. Ang pinagbago lang ngayon ay alam kong wala na akong rason para umatras. Sa kasal na ito ay nakataya ang pag-asa para sa aming hacienda. Not there words can bring me down. Nilunok ko na ang pride na meron ako. Totoo naman lahat ng sinabi ni Tita Imelda kaya walang rason para magalit ako sa kanila. Kumunot ang noo ko nang maalala si Edward. Don't worry this will not take too long. Sa halos ilang taon na hindi ko siya nakita simula noong kasal namin nang nabubuhay pa si Papa. Wala na akong iba pang naging balita sa kanya noon. Pinilit ko

