Kabanata 36 "Kung sabagay..." Huminga ito nang malalim at hinawakan ang mga kamay ko. "Mas mabuti na 'yon para matapos na ang koneksyon n'yo sa isa't isa. At para na rin mawala na siya sa landas mo nang tuluyan." Marahan akong tumango sa sinabi ni Yolly na para bang tinitimbang ang reaksyon ko. Wala akong maipakita na emosyon sa kanya dahil wala akong maramdaman na kahit ano. Tama na nga siguro ang ilang taon na pagkawala ko. Hindi naman ako puwede na habang buhay na lang na nagtatago. Matagal ko na rin gustong bisitahin ang hacienda hanggang ngayon ay hindi pa rin sapat ang ipon ko upang kunin muli iyon kay Lolo Ramon. Wala pa rin akong sapat na pera para bayaran siya sa mga danyos na idinulot ko. Kulang pa ang naiipon kong pera para sa kinabukasan ng anak ko. Natigilan ito at muling

