Kabanata 3 Nanlalambot ako habang pinagmamasdan ang sulat na ipinadala mula sa bangko. Kung magpapatuloy ang ganito ay hindi ko na alam kung saan ako pupulot ng pera. Sumulyap ako sa passbook na hawak ko kung saan ito sana ang gagamitin ko upang umani muli ng tanim. Ito na ang huling alas ko pagkatapos nito ay hindi ko na alam kung ano ang susunod na gagawin kapag nalugi pa ako. "Sigurado po ba kayo, Señorita?" tanong ni Jayson sa akin noong sinabi ko ang plano ko na magtatanim muli kami pagkatapos mapeste lahat ng tanim naming palay. "Oo, pero mais ang itatanim natin." Dahil hindi sapat ang pera ko ay kalahati lamang ang matatamnan sa lupain. Panahon ng mga mais ngayon at inaasahan ko na mababawi ko ang kapital na pinag-puhunan ko rito. Pagkatapos sa trabaho ay sa mga pananim naman

