Kabanata 4 Tulala ako habang nakatingin sa laki ng interest na dumagdag sa loan ko. Kahit na kumayod ako ng doble ngayong buwan ay hindi ko lahat mababayaran ang kailangan kong bayaran. 'Yon na lang ba ang paraan para mabawi ko lahat ng nalugi ko sa hacienda? "Nagtataka talaga ako e. Bakit pinipilit din ni Lolo Ramon 'yong apo niya sa 'yo? Wala bang nagkakagusto do'n?" natatawang tanong ni Veron sa akin habang nakaupo ako sa dining dahil na kwento ni Tita Eva sa kanya ang muling pagdalaw ni Lolo Ramon. Wala ito kanina dahil maaga itong pumasok sa trabaho. Humigop ako sa mainit kong kape at inilipat ang pahina na hawak kong sulat. Umupo ito sa tapat ko at maingay na ibinaba ang baso nito sa mesa. Tumaas ang tingin ko sa kanya na nanliit ang mga mata. "Siguro kaya hindi ka pumapayag ka

