Kabanata 5 "What?!" Umiwas ako noong marinig ang tanong nito. Iginiya ako ni Lolo paupo. "It's been a long time since you visit here, Hija. I'm so happy to see you here again." Umupo si Lolo Ramon sa tapat ko habang naiwan naman si Edward na litong-lito at hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya. Tumabi si Tito Edgardo sa tabi ni Lolo Ramon habang hindi naman mawala ang mga mata ko kay Edward. Napansin ko ang galit sa mga mata nito at napailing ito. Sumikip ang dibdib ko at ibinaba ang tingin sa aking plato. Mali yata ang desisyon na pinasukan ko. Madiin kong hinawakan ang kubyertos at naalala ang hacienda, naalala ko ang kalagayan nito ngayon. Hindi ito ang tamang oras para isipan siya. Gusto o hindi man niya ‘to gusto ay dapat wala na akong pakialam doon. Narito ako para sa hacienda

