Kabanata 26 Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Hindi ako makagalaw nang mabuti dahil nakayakap sa aking tiyan ang kaliwang kamay nito. Umawang ang labi ko at tiningnan ito na payapang natutulog sa tabi ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti habang pinagmamasdan ito. Umusbong ang kaligayahan sa puso ko at hindi ako makapaniwala na narito siya ngayon sa tabi ko. It felt surreal like a fairytale. Before I just imagined myself to be with him and now it’s happening. Maingat kong tinaas ang kanang kamay ko upang haplusin ang pisngi nito. Unti-unting umiinit ang sulok ng aking mga mata habang hindi makapaniwala na totoong nangyayari lahat ng ‘to. Sinigurado ko na hindi ito magigising sa pagtayo ko. Nag-ayos muna ako at tumungo sa kusina upang ipagluto ito. Hindi mawala sa

