Kabanata 54 Nanghihina akong tumingin sa mapanganib na mga mata nito. Ito na, ito na ang araw na kinatatakutan ko. Alam kong kaya niyang gawin lahat. Naiinis ako dahil alam kong tama siya na hindi ko siya mapapaniwala basta-basta sa mga sinasabi ko. Maniniwala lang siya kapag nakumpirma niya mismo. Lalo na hindi ko maitatanggi na kamukha siya ni Brielle. "Let's forget about what happened between us." Umawang ang labi nito. Pansin ko ang inis nito at umigting ang panga niya sa galit. "Just answer me." "Bitiwan mo ‘ko," giit ko na hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito. Kumurap ito at dahan-dahan na inalis ang hawak nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maglakad ito sa tabi ko patungo sa kotse ko. "Edward." Pinigilan ito sa kanyang braso niya at nanginginig sa kaba. Muli kami

