Kabanata 53 Tumingin sa akin si Brielle at nanlalaki ang mga mata nito. Lumapad ang ngiti nito at may binulong sa kaliwang tenga ni Edward. Kumunot lalo ang noo ko at hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ako mapalagay ngayon dahil sa nakikita ko. “Mama, I want you–” “Abrielle!” I warned her and saw how her mood changes so fast. Natakot ang mga mata nito at mabilis na tumingin kay Edward na hindi gumagalaw. Hinila siya ni July sa loob ng apartment na natatarantang pumasok at hindi ito makatingin sa akin ng diretso. Ang isa sa pinaka habilin ko sa kanya ay huwag niyang hahayaan na makipag-usap kung kani-kanino ang anak ko. At hindi ko inaasahan na sa taong pilit ko pang iniiwasan at ayokong makita ni Brielle. Sobrang bigat nang bawat paghinga ko. Gulat na gulat ako sa tagpon

