Kabanata 52 The next day I decided to buy groceries. Wala rin naman akong pasok ngayong araw kaya naman susulitin ko na ‘to dahil sa ilang araw na ginugol ko upang matapos ang project na ‘yon. Nagpasya ako na mamaya na rin ako pupunta sa Batangas para bisitahin ang hacienda. Hindi ko pa ito na ikwento kay Yolly, maging ang pagkikita namin ni Edward ng ilang beses. Siguro saka na lang kapag nakita kong maayos na ang lahat at wala ng problema. Iniwan ko si Brielle na nanonood ng paborito nitong disney movie. Nagulat ako noong paglabas ko sa building ng apartment ay nakita ko si Monica na nakasandal sa isang maroon na kotse. Napukaw nito kaagad ang atensyon ko dahil sa porselana na balat nito at kulay asul na ternong damit nito. Naka-shades ito pero sigurado ako na si Monica ito. "Hindi

