Kabanata 51 Tahimik ako habang sumusunod sa kanya palabas ng kumpanya. Huminto ang pamilyar na kotse nito sa aming harapan at may lumabas na security guard. Lumakad patungo doon si Edward na siya namang pumasok sa driver's seat. Mabilis na nagtungo ang guard sa pinto ng passenger's seat upang pagbuksan ako ng pinto. "Salamat." Pumasok ako sa loob ng kotse nito at pagsara pa lang ng pinto ay binalot na kami ng katahimikan. Marahan kong nilagay ang seatbelt at tinikom ang aking bibig. Sumulyap ako sa kanya noong walang salita nitong pinaandar ang sasakyan. Madiin ang hawak ko sa bag ko nang mapagtanto na kami lang dalawa. "Na-Nasaan na ngayon si tiya?" pabulong na wika ko sa kanya. Nasa harapan lang ang aking paningin at pinipilit na huwag siyang tingnan. "She's now in Manila." Paan

