Kabanata 50 Yumuko ako at mabilis na pumatak ang mga luha sa aking mga pisngi. Natigilan ito dahil sa pagpatak ng butil ng luha ko sa kanyang mga kamay. "Why are you telling me all these things? Paano si Monica, hindi ba mahal na mahal mo siya?!" punong-puno ng sakit ang aking mga salita. "That's what I thought." “Wow! ‘Yon lang ang sasabihin mo? That’s what I thought?” Umirap ako sa kawalan. "’Yong sakit na naramdaman ko no’ng panahon na pinapamukha mo sa akin na hindi ako karapat-dapat piliin. ‘Yon lang ang maririnig ko sa ‘yo?" Nanghihina ang mga yakap nito kaya nagawa kong kumalas. Habol ko ang hininga kong tumingin sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito at nakita kong nasasaktan ito. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. "It's too late..." Marahan akong umiling at mabilis na pin

