Kabanata 41 From July, Ati Lauren? Ayaw po kumaen ni bebe ghorl. Natigilan ako sa mensahe ni July noong naglalakad na kami papasok sa exclusive restaurant na malapit lang dito sa building. "Lauren?" nagtatakang tanong ni Ms. Lorenza sa akin dahil sa biglaang paghinto ko. Tumingin ako sa kanya na nakataas ang kilay nito at hinihintay ang sasabihin ko. Tumango ako kay Ms. Lorenza at nagpatuloy sa aking paglalakad. Huminga ako nang malalim at pasimpleng nirereplyan si July. To July Pakisabi naman sa kanya na uuwi nang maaga si mama. Gustong-gusto kong tumawag para makausap ang anak ko ang kaso lang ay nakapasok na kami sa isang private room. Tinawagan ko na siya kanina na hindi ako makakauwi ng tanghalian ngayon at gaya ng inaasahan ko ay magtatampo siya. Bumuntonghininga ako dahil i

