Kabanata 40 Nakahinga ako nang maluwag noong nakalabas na ako sa opisina ni Sky. Bawat hakbang ko ay napapailing ako. Sa pinili kong desisyon alam kong mas liliit ang mundo naming dalawa. “I’m trying to get rid of you and you keep on coming back.” Natigilan ako sa paglalakad sa hallway papasok ng elevator nang marinig ko ang malamig na boses nito. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at huminga nang malalim. Kilalang-kilala ko ang boses nito at alam kong para sa akin ang sinabi niya. Humarap ako sa kanya na puno ng galit ang mga mata habang nasa bulsa nito ang mga kamay niya. “This is not your company,” matigas na sagot ko sa sinabi niya. Tumaas ang sulok ng labi nito at mas nainis sa sagot ko. “I owned a share in this company.” Gamit ang hintuturo niya ay dinuro niya pa ito pababa para

