Kabanata 39 Namumula ang mga mata ni Ate Yllane habang inaabot ko ang huling flower arrangement na ginawa ko para sa flower shop niya. Malungkot akong ngumiti sa kanya na hindi ako matingnan nang maayos. "Alam ko naman na darating tayo sa araw na 'to pero... nalulungkot pa rin ako." Suminghot ito habang binabalot ang flower arrangement na binigay ko sa kanya. Madiin kong itinikom ang bibig ko at naglakad patungo sa likod nito. "Ate..." Niyakap ko ito sa kanyang likuran at sobrang bigat ng loob ko. Hindi biro ang pinagdaanan ko sa apat na taon. At 'yong panahon na 'yon ay sila ang naging katuwang ko sa buhay. "Nagpapasalamat ako sa lahat..." Mas lalo itong suminghot at marahan na umiling. "Hindi mo kailangan magpasalamat." Hinaplos nito ang kamay ko. "Ako nga dapat ang magpasalamat

