Kabanata 38 Maganda ang offer na sinabi sa akin ni Yolly. Pero kailangan ko muna na pag-isipan nang mabuti. "Aalis ka na ba talaga?" tanong nito. Maaga akong nagising para bumiyahe pabalik ng Batangas. Marahan akong tumango habang inaayos na ang mga gamit ko. "Hihintayin ko na lang ang tawag." Tumingin ako sa kanya na nakapamewang habang nagto-toothbrush. "Hinahanap na rin ako ni Brielle. Tumawag kanina si Ate Yllane at umiiyak daw buong gabi." Tumango ito at pumasok muli sa banyo. "'Yong offer na sinabi ko sa 'yo kagabi." Lumabas itong muli habang pinupunasan ang labi nito gamit ang puting tuwalya. "Pag-isipan mong mabuti. Sasabihin ko kaagad kay Sir Sky ang pasya mo." Marahan akong tumango sa kanya. Hindi ko na sinabi sa kanya na pupunta ako ngayon sa hacienda bago umuwi. Hindi ko

