Kabanata 17 Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako makagalaw nang mabuti. Ramdam ko ang lalim ng paghinga nito. Umawang ang labi ko nang gumalaw ang mga kamay nito na nasa aking likuran. "E-Ed?" marahang sambit ko. Hindi ako makahinga nang mabuti dahil sa posisyon naming dalawa. "I missed you..." Pumikit ako nang mariin sa sobrang paos na boses nito. Sumikip ang dibdib ko dahil alam kong hindi para sa akin 'yon. Itinukod ko ang kamay ko sa sahig para ako'y makatayo. Tumili ako noong bigla itong umupo kaya napakapit ako sa kanyang matigas na braso. Dahil sa ginawa niya ay nakaupo ako ngayon sa kanyang mga binti. "Yo-You smell so good," bulong nito sa kaliwang tenga ko. Dumampi ang mainit na labi nito sa aking braso at nanigas ako noong maramdaman ang mainit na hininga nit

