Kabanata 16 Alok na kasal ni Edward sa kanya? Now she really gets my attention. I'm so curious about her. I wanna see her. Gusto kong malaman kung sino ba siya sa buhay niya. Ano ang dahilan kung bakit lagi siyang nababanggit sa akin ni Edward. "Stop talking about her. Baka marinig kayo lagot tayo." Hindi ko pa siya nakitang pumunta sa condo niya. Sila pa ba? Nanikip ang dibdib ko na baka ako ang dahilan kung bakit man sila naghiwalay. "Siya 'yong ex-girlfriend ni Sir Edward." Napahinto ako sa pag-iisip nang magsalita si Phoebe. Tumingin ako sa kanya na nakangiti sa akin. Hindi ko namalayan sa sobrang kunot na pala ng noo ko dahil sa kakaisip. "You know her?" mahinang bulong ko sa kanya. Sinisikap ko na hindi nito mahalata na interesado ako sa kanya. Nakatiim ang labi nito at mabi

