Wakas 2 Edward "Ed" Almendras Point of View I smiled when her little fingers touched my nose and pinched it. "Brielle…" bawal na saad ni Lauren sa kanya. Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya na nakatingin sa akin. Nag-aalala ang mukha nito habang kunot ang noong nakatingin sa akin. "It's okay." Ramdam ko na nag-aalangan pa rin ito hanggang ngayon. Nawala ang pagkakunot ng mukha nito at ngumiti. "I'm sorry. Hi-Hindi ako sanay…" Kinagat nito ang labi niya at namula ang pisngi. Natulala ako ng ilang segundo. Tumikhim ako dahil kumabog ang dibdib ko. Nauna muli itong maglakad sa amin kaya mabilis akong naglakad upang kunin ang kanang kamay nito. Natigilan ito at tumingin sa akin. Hindi ko na ito hinayaan pang magsalita at giniya ko na ito patungo sa elevator. "A-Ako na k

