Wakas Edward "Ed" Almendras Point of View Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang maamong mukha nito. Mahimbing itong natutulog sa aking braso. Kumabog ang dibdib ko. Hindi ko inakala na ang magandang mukha nito ang dahilan kung bakit ako muntik na mabaliw. Kumunot ang noo ko dahil tumunog ang cellphone ko na nakapatong maliit na kabinet. Sky Calling… "What?" I groaned and made sure that I didn't wake her up. "Are you with her?" Narinig ko ang inis na boses nito. "I know you're with her. Your secretary told me you're in Batangas right now." Ngumisi ako sa sinabi nito. Marahan kong hinaplos ang malambot na braso nito. Dmn! I felt my body start to heat up again. I need to remind myself that she's still sleeping. "What do you want?" walang gana na tanong

