CHAPTER 13: KAPRE

1523 Words
CHAPTER 13 "What the!!!!!! Bakit parang may zo----zzombie ba yun tol!!!? " si Agham na nagsipagtaasan na lahat ng balahibo sa katawan ng makita ang mga bangkay na nagsisipaglakaran patungo sa kanila. "Ohhhh!!! Ohhh!!! Immmm dreaming!!!! " si Sky na marami ng nakikita sa paligid na papalapit sa kanila. "Fucccking dammmittt!!! " si Macky naman na patuloy na nakikipag laban ngunit napahinto. "wwwwhhhhhhaaahhhhhhh!!!!! Takbo!!!!!! " sigaw ng tatlo at tuluyan ng tumakbo. "Asan na sila!!!!? " si Agham na hinahanap ng mata sila Amulet. Tuluyan na silang napalayo sa mga kasamahan. Hindi nila matanaw sila Amulet o maging si Neheyah na hindi naman ganun kalayo sa kanila kanina ngunit nawala rin sa kanilang paningin. Silang tatlo ay magkakasamang tumakbo at ngayon ay nasa gitna na kagubatan. Napatigil sila ngayon sa napakalaking puno at dito na sila kumubli. "Tol! Hindi nga!!!? Totoo ba talagang nangyayari satin ito? " si Sky na di na malaman kung anong emosyon ang kanyang ilalabas na napasandal na sa puno. "Tangnahhhh nangyayari na nga ehhh!!!!!!! " sagot ni Agham na habol ang hinga na napaupo na sa ugat ng puno. "This is in---!!! Ahhhhh!!!! " sigaw ni Macky ng bigla nalang siya hilahin paitaas ng baging ng puno na ikinagulat ng dalawa. "Tollll!!!! " sigaw ng dalawang binata at segundo lamang ang pagitan ay sila naman ang hinila ng mga baging. **** Walang humpay ang takbo ng grupo nila Amulet hanggang sa matanaw na nila ang kubo na walang kabuhay buhay. Kanina lamang ay tumawid pa sila sa hanging bridge na ngayon ay naputol na. "Tata Pedro!!! Tata Pedro!!!! Tara pasok na tayo!!!! " sigaw ni Berting. "Tata Pedro!!!! Bakit walang tao!? " nagtatakang wika nito na dinig naman siya ng mga kasamahan. Ng biglang lumitaw ang maliit na fairy na kasing liit ng alitaptap at tumigil sa harap ni Amulet ng hindi napapansin ng karamihan. "Ligtas tayo rito sa loob, kaya magpahinga muna tayo. Napagod ako at alam kong kayo rin. " AMULET POV Nakarating na kami sa kubo ng albularyong si Pedro Duke. Ngunit hindi ko siya maramdaman. Ang aking nararamdaman ay ang bantay nitong si Titap at hindi nga ako nagkakamali. "Mahal na prinsesa, ikinagagalak ko pong makita kayo at ngayon ay nabigyang pag-asa na magapi ang kaguluhang ito. Iniulat ko po na wala ang albularyong pinababantayan sakin ng Reyna sa mundong ito. Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na nasa loob po siya ng Encantadia. Nagawa nya po akong ibalik dito bago siya tuluyang dalhin ni prinsipe Empetus. Ipinagbibigay alam nya po sa inyo na ang Metyerus ay nasa pangangalaga ngayon ng kanyang anak na si Hallenah. " panimula ni Titap na nasa isip ko lamang siya nakikipag-usap. "Nasaan si Hallenah?" tugon ko kay Titap gamit ang aking isip. "Hawak po siya ng Kapreng si Dagus. Nasa gitna po siya ngayon ng kagubatan sa gawing kanluran. " "At sino si Dagus?" "Hindi ko po masabi kung kalaban siya o hindi. Dahil noong nagkaroon ng gulo rito ay agad na itinago ni Dagus si Hallenah, ngunit hindi narin niya ibinalik rito. " Napaisip ako sa kanyang winika. Si Hallenah ay anak ni Pedro Duke sa isang maharlikang diwata. Kaya naman isa rin siya sa napili ng aking ina na siyang maging taong tagalabas na mapagkakatiwalaan. "Delikado pong lumabas tayo ngayong gabi kung pupuntahan natin si Hallenah, kaya po bukas na po tayo ng umaga tumungo sa kanluran kung saan ay di ganun kalakas ang mga maligno o lamang lupa sa paligid." suhestiyon ni Titap. Umiikot ikot lamang na siya sa paligid pagkatapos niyang mag-ulat sa akin. Ako naman ay nasa isang komportableng papa na inayos nila Ginoong Cairo at Top. Maya maya ay naramdaman ko si Neheyah. Agad akong napatayo kung kayat napatayo narin si Cairo at Top. Agad kong sinalubong si Neheyah at agad naman niya akong niyakap ng mahigpit . Alam kong lubos ang kanyang pag-aalala sa akin. " Sila ginoong Agham, Sky at Macky? " Agad kong tanong kay Neheyah. TOP POV Pagod na pagod ang aking katawan kung kayat matapos naming asikasuhin si Amulet ay pinili naming humiga ni Cairo sa papag. Nag-aalala ako sa aking mga kapatid. Alam kong kasama nila si Neheya pero hindi parin mawala ang aking pag-aalala. Maya maya ay napansin kong napatayo ang aking mahal. Kaya naman sabay rin kaming tumayo ni Cairo. Dito namin napansin si Neheyah na bagong dating at agad na niyakap ang aking aasawahin. "Tsk! " sabay pa kami ni Cairong napaismid. " Sila ginoong Agham, Sky at Macky? " narinig kong tanong ni Amulet kung kayat bigla akong natauhan at tumakbo sa may pintuan . Hindi mahagilap ng aking mga mata ang aking mga kapatid na gayun rin si Cairong nagmamadaling lumabas ng kubo tulad ko. "f**k!!!! " sabay pa muli naming mura. Agad kaming bumalik sa kinaroroonan ni Neheyah. " Hindi kami makalapit ng mga kasamahan kong diwata prinsesa, masyado silang marami. Nasa gitna sila ngayon ng gubat, sa mismong pinaghaharian ng mga kapre mahal ko. Ngunit nasisiguro kong hindi sila sinasaktan ng mga ito. Ito ang natatanaw na kayang abutin ng aking apoy. At may isa pa silang bihag na may dugong diwata. " ring kong wika nito. "Maaring siya si Hallenah..... Prinsipe Neheyah, sikapin mong protektahan sila mula rito. " "Magagawa ko iyon prinsesa huwag lamang nilang patayin ang mga apoy na nagsisilbing ilaw nila. " tugon ni Neheyah. Tumingin muna sakin si Amulet ng malamlam bago bumalik sa kanyang pahingahan at humiga roon. Alam kong pagod na ito at kitang kita pa ng aking mga mata na pinalibutan na siya ng mga nagkikislapang alitaptap. Bago maglaho si Neheyah ay hinalikan muna niya ang noo ng prinsesa at binalot niya ito ng nag-aalab na liwanag. Ahhhhh hindi kami makalapit ni Cairo dahil ang mga diwata ay biglang lumitaw sa siyang gumagwardiya sa prinsesa. **** SKY POV Naalimpungatan ako dahil nakakaamoy ako ng masangsang na amoy. Ang baho na parang pusale. Yung amoy ng mga nabasang tuyong dayami na pinaghalo halo na amoy mapanghe at in other word amoy pusale talaga! Ang sakit sa ilong. Bukod dito ay nakaamoy rin ako ng tabako na sinisigarilyo ng aking lolo. Fuccckkk asan ba kami. Nakita kong tulog pa ang aking mga kapatid. Napansin ko ring para kaming nasa hawla na gawa sa kahoy. Yung kahoy na kasing laki ng aking hita. Gigisinging ko na sana ang aking mga kapatid ng mapansin kong parang may nakatitig sakin. "Hoooollllyyyy mama mia!!!!" bulalas ng aking labi at ang aking puso ay parang may pisong kumakalimbang sa loob. Alam ko na kapag ganito ay ibig sabihin lamang na natagpuan na ng aking puso ang kapareha niya. Napakaganda niya. Simpleng ganda pero ubod ng ganda!!!! Na gets nyo ba? Para sa akin ay wala ng hihigit sa ganda nya wag lang ikukumpara kay prinsesa Alumet at alam ko namang Goddess na ang ganda nun. Para akong isang statue ngayon na hindi makagalaw at hindi ko maitikom ang aking mga labi sa pagkagulat lalo pa ng siya ay ngumiti. Feeling ko hihimatayin na ako. Nakakahiya!!!! Kalalakihan kong tao pero para sa kong torpe ngayon, shiiit!!!! I am a womanizer then I am stupid now!!!! Yung tulo na ang aking laway. Hahaha !! "Anong ginagawa nyo sa gubat mister? " naitanong niya na halos kapusin ako ng hininga dahil sa ang ganda rin ng kanyang boses. Nasa isang papag siya ngayon at nakatali ang kanyang paa ngunit malapit lamang siya sa akin. (dub dub dub dub) kailangan kong lakasan ang aking loob upang makapagsalita. Teyka tinawag nya akong mister!!!? Hahahaha!!!!! Ikaw ngayon ang misis ko!!!! "Ah eh hi-hina-hinahabol ka-kami ng Ayyyy mali!!!! Napahiwalay kami, oo nakahiwalay kami sa kasamahan namin. Kay Tatang Pedro sana kami pupunta! " tanga ko lang noh! Yun yung nawawala sa sarili kapag yung puso mo bumabayo ng malakas. "Di nyo makikita ang tatay ko. Wala siya sa mundong ito. " malungkot niyang sagot. "Tatay!!!? Wow!!!!! May maganda pala siyang anak! Teyna, Asan sya? Asan namin siya matatagpuan!? " ng manumbalik ng kunti ang aking katinuan. "Nasa Encantadia. " tipid niyang tugon na yumuko. "Nakuuu!!!! Nasa Encantadia siya? Paano ba toh!!! Sarado na ang lagusan ng Encantadia at kailangan namin siya! " walang halong pag-aalinlangan kong sagot. Rumehistro sa kanyang mukha ang gulat. "May alam ka sa Encantadia? Nga pala mister hinaan mo lamang ang boses mo. " "Oppps OK. Oo, slight may alam ako. Teyka, paano ka napunta dito!?" pagtataka kong tanung. "Iniligtas ako at binihag ni Dagus. " ahhhhh ohhh, "Dagus? Sino yun? At asan ba tayo? " "Nasa teretoryo tayo ng mga kapre. " "So si Dagus ay kapre? Wait kanina pa tayo nag-uusap, ako nga pala si Sky. " "Hallenah ang pangalan ko. Anong kailangan nyo sa tatay ko? " "Ang ganda ng pangalan mo. Bagay na bagay sa ganda mo... Bago ko sagutin ang tanong mo, aangkinin na kita ha. " "Eh!!!? " "Hehe uunahan ko na ang isa kong kapatid! Hehe. Kasama namin ni prinsesa Amulet. " "Ang prinsesa nandito!!!? asan na siya? " "Ahhh oo pero nagkahiway kami eh, si Berting kasama nya at ang mga gabay nya at ang kuya ko at kaibigan ko. Huwag kang mag-alala, makakasama na rin natin sila, makakaligtas tayo rito. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD